Saturday, June 26, 2004

GUSTO KONG MAGING

Dear Mouse,

May magandang diskusyon , si Sassy, Dr.Emer,Tito rolly at si Delata (kilala kaya niya si Abre Lata ?cornikotungkol sa edukasyon.

Itong akin ay parang yong sabi ng titser, "Give Exampool.

Come again, Ma'am?

Rewind.

“Gusto kong maging Manicurista..” Shock ang kapit- bahay ko na taga ADB at ang asawa ay Vice- President ng isang advertising agency nang marinig nila sa kanilang anak na maliit . Nakikipag-usap siya sa mga kalaro niya habang nag-uusap kami ng nanay niya sa azotea. Nagbalikbayan ako at mahaba ang aming kuwentuhan.

“ Ang anak ko. Natatawa siyang nagsalita. Gumagastos ako ng libo sa tuition niya sa Assumption para maging manicurista lang. Nakikita niya siguro pag binibigyan ko ng tip yong aking manicuristang naghohome-service. Kala niya malaki na iyong perang yon.Ha ha ha ha.

Ay wag niyang isnabin, ang mga manicurists sa Hollywood ay kumikita ng mababa na ang $500 a day. Sa mga karaniwang manicurista lang ay puwede na siguro ang mahigit $ 100. Si Rosemarie na kapatid ng nausyaming First Lady Susan ay manicurista yata sa isa sa siyudad sa California. Pero ang manicurista dito ay licensed. Ano man ang sabihin nila, gusto ko pa rin ang manicure at pedicure Pinoy.

Rewind ulit.

Naalala ko tuloy noong ako ay bata.. Daming gusto kong maging. Gusto kong maging titser kagaya ng aking mader. Mga kalaro ko ang aking mga pupils.Kasama rin yong aso, saka pusa. Yong aso interesado. Tumatahol siya pag oras ng recess naming. Humihingi rin ng cookies. Yong pusa, isnabera. Nakaupo nga doon pero bukas-sara lang ang mata.

Bata pa ako ay kinakitaan na ako nang hilig sa pagdrawing. Lahat ng notebooks ng aking mga kuyakoy na hindi na ginagamit ay pinupuno ko ng drawing. Ang paborito kong Subject sa school ay lahat ng pertaining to Arts . Mahilig din akong manahi at magdekorasyon.

Nang sinabi ko sa aking mader ang gusto kong kunin sa College, naghyper siya.“Anong gagawin mo pagkatapos mong grumaduate sa kursong may apelyidong ARTS.

Pag pumunta ka sa Interior Designing, kailangan magkapangalan ka para ikaw ay kumita ng malaki. Pag nagpaint ka naman, mamatay ka muna bago tumaas ang presyo ng painting mo. Ganyan si mader. Practical siyang tao. Pinagnanursing niya ako o abogado. Pag marami na raw akong pera, maaari ko nang gawing hobby ang aking previous interests.

Hindi ako puwedeng mag-abugado dahil ayaw ko ng memorization. Siguro daming namemorize si Sassy noon.

Nars na ang aking mga kapatid na babae. May pera nga sila. Engineering ang tapos ng aking mga kapatid na lalaki. May pera ang mga asawa nila. Ako, tagabilang lang pera ng may pera.Himutok.

Pero hindi ko nakalimutan ang aking GUSTONG MAGING. Kaya pag hindi ako nakaharap sa aking laptop, nagkukutingting naman ako sa bahay.

Ito ang aking mga ginawa:

Mula sa hubad at pangit na lampshade na ganito:

Para sa malaking image. Ito .

ginawa ko siyang isang malanding lampshade na ganito:

Para sa malaking image. Click ito.

materials:

  • 1. ginupit na taas na bahagi ng kurtinang namantsahan sa ibaba.nakakahinayangitapon. (reminder sa akin na huwag pag sasamahin ang puti sa may kulay dum dum).
  • 2. ribbon na hiningi o inagaw sa pamangkin
  • 3. isang pirasong pink na tela para kamison ng kurtina
  • 4. lumang lampshade
  • 5. malaking karayom
  • 6. retrato o pangalan ng isang taong kinaiinisan.

    Kagaya ng taong kinaiinisan niApol.

  • Anong gagawin sa retrato kamo? Di tuwing tusok ng karayom, imaginin ninyong puwet niya ang tinutusok mo. O di ba luffet noon. bwahahaha

    Ito pa. Ginamit ko ay basyong plastic ng isang galong Magnolia, isang putol na katawan ng manika. Marami nyan sainyong nakakalat siguro. Yong mga walang paa. Ito nahila ko lang sa kapitbahay ko.

    Anong silbi nito?Lalagyan ng toilet paper.

    Para sa mas malaking image, click ito.

    Siyanga pala no nga ba ang topic natin? Gulo koh.

    The CA t

    15 Comments:

    At 5:31 PM, Blogger rolly said...

    Minsan malaking balakid ang magulang sa gusto ng anak e. no? Maswerte ako at kahit kailan hindi ako pinakialaman ng tatay at nanay ko kung ano ang gusto kong kunin ng college. Tapos ako ng gusto mo sanang tapusin. Yung merong apelyedong "Arts".

    Bakit nga ba nakikialam ang magulang sa gusto ng anak? Unang-una, sila ang magpapa-aral. hehehe, Ano yun? Negosyo? "Ako ang namumuhunan." Siguro me malaking "ROI." E pano kung biglang nag-asawa? E di lipad ang puhunan, :-(.

    Come to think of it. Maski na doktor pa ang anak mo, kung hindi marunong, la rin. Di ba, Doc? O kaya, Engineer. Tanong mo kay Batjay kung lahat ng kaklase nya ay as successful as he is.

    As for me, pabayaan ko mga anak ko kung ano gusto nila. Suportahan ko na lang sila. La rin naman akong inaasahan e. It's part of a cycle. Sila naman ang bahala sa anak nila. Ganon yun, di ba.

    Incidentally, ang galing mo pala, e. Very creative.

     
    At 5:34 PM, Blogger Dr. Emer said...

    Hindi ka magulo, madami ka lang iniisip. Flight of ideas ang tawag dyan. Meron din ako nyan. Ako, ang una kong "gustong maging" ay astronaut. Pinanganak ako ng time na nakarating ang tao sa buwan kaya as a child, na-inspire ako na maging astronaut. Habang lumalaki, nakita ko kung paano ang training ng astronaut. Ayoko na. Nakakasuka pala. Itatali ka at papaikutin ka ng madaming beses. Sabi ko, ayoko na. Nag-doktor na lang ako. =)

     
    At 6:39 PM, Blogger jane said...

    nakakatuwa naman itong post mo. at napakacreative mo pa ha?! naku, yang pagiging artsy ang hindi ko nahiligan, palaging needs improvement ako sa arts saka sa crafts classes namin sa home ec.
    trulili, malaki ang kita ng mga manicurista ha, wag naman talagang isnabin. nakakatawa naman, gusto mong maging titser nung bata ka? ako yung ang pinakaayaw ko noon eh, feel na feel ko na maging abogado. i was groomed to be a lawyer, kaso di kaya nung college eh, di kaya ng bulsa ang maglaw ako,lalo pa't may higher math courses akong kelangang kunin.
    hayaan mo, sakaling magkaroon ako ng bahay(in what, 48 years?!) ikaw kukunin kong interior designer.

     
    At 8:00 PM, Anonymous Anonymous said...

    Hello Miss Ca t,
    matagal -tagal na rin kong binabasa ang blog mo, link from miss sass. Tuwang tuwa at tawang tawa lagi ako puwera lang kong seryoso ang topic mo, natural noh! naman! I still remember the very first blog mo na nabasa ko, yong may "isang daliri lang ang gamit mo" kung naiinitan ka.. that was really hilarious. kahit daughter ko humagalpak ng tawa. After miss sass, ikaw usually ang sunod, after you, dr. emer.
    anyway, being a comedienne - Arts din yon di ba? Art ista ka!
    ok i'll go and see dr. emer now, bye. tapos na ako ki ma'm sass eh. bukas naman.

     
    At 12:28 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

    Hay, Cath, ganyan din nanay kong asar. Gusto ko noon maging concert artist. Hindi ABS-CBN genre ha. 'Yung tipong Miss Saigon. Pero, my parents looked down on artists. Kulang na lang tawaging pokpok.

    Gusto nila mag-journalist ako. Ayaw nila mag-law ako ("baka sa kalagitnaan ng law, mag-aasawa ka lang!"). Sa asar ko, nag-law ako. Ang reason ko 'di ako makahanap ng trabaho after college kasi 19 lang ako when I graduated. Wala na sila magawa.

    Kaya siguro di ako tumagal sa law practice. Di ko love.

     
    At 12:35 AM, Blogger cathy said...

    titorolly,
    isa yata sa job description ng parents ay makialam sa buhay buhay ng kanilang anak. Madalas sabihin ng mader ko yon." Hindi ako nakikialam, pero kailan ka magpapagupit ng iyong bangs." Hindi raw niya kasi makita ang kilay ko kung nakataas o nakasalubong pag nagrereact ako.

     
    At 12:39 AM, Blogger cathy said...

    doc,
    mas nakakatakot naman yata ang magdissect ng cadaver.
    Baka habang tinutusok mo sabihin pa saiyong, Do it gently. tapos ngumiti. ngeeeeh

     
    At 12:44 AM, Blogger cathy said...

    Joff,
    bagay kang lawyer. puwedeng makipagespadahan ang dila mo sa ibang tao.

     
    At 12:50 AM, Blogger cathy said...

    salamat sa pagdalaw mo anon.ymous. Buti nakapag-iwan ka ng message. Yong iba, silent readers din kasi ayaw nilang magregister. Puwede naman silang magcomment as unanimous eheste anonymous.

    Pero alam ko naman bakit sila hindi nagcocomment. Nabibilaukan sila katatawa. Kailangann lagyan ko ng Warning: FRAGILE GLASS OF WATER REQUIRED.

     
    At 7:48 PM, Blogger Apol said...

    kwela talaga kayo ms cathy! hehehe!

     
    At 11:20 PM, Blogger batjay said...

    o kaya pwedeng maging tubero. there's this white collar worker in the UK who quit his job para mag train maging isang plumber. ang sabi niya eh kakalimutan na lang daw niya ang kanyang oxford education at high profile career. ang isang in-demand daw na tubero sa UK ay normal na ang 80,000 pounds a year. that's around US$ 145,000 a year.

     
    At 4:42 AM, Blogger cathy said...

    Naku C,
    May pagkaLea Salonga siguro ang boses mo. Pasalamat sila sa peyrents mo kung hindi baka sila hindi sumikat.

     
    At 4:50 AM, Blogger cathy said...

    Jay,

    Ang plumber dito sa States ay malaki rin ang kinikita kaysa sa mga opit worker. Dahil sa lamig, yong grease nakakabara sa mga plumbing.

     
    At 6:34 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

    Cath,

    yung pics pareho yung full-sized version...

     
    At 8:20 AM, Anonymous Anonymous said...

    Ms. Cat,
    Talagang lagi naman akong natatawa sa mga blogs nyo. Especially yong mga exchages of views nyo nina Dr. Emer, Sassy, Batjay etc. etc. I have been following your blog for quite a while now. I don't usually make any comment. I just go bloghopping from place to place and i get a dose of everything. From world news to Pinoy news. Nakaka-enjoy talaga. More power to you and the rest of the gang...
    Some young guy from miami

     

    Post a Comment

    << Home