Tuesday, June 15, 2004

Tatay na Nanay pa

Dear Mouse,

Naisulat ko nang minsan na ang aking paboritong hairdresser ay ang nasirang si Jun Encarnacion. Tuwing pumupunta ako sa kaniyang beauty saloon( yong orig),naikukuwento sa akin ng kaniyang mga goirls niya na nasa Estet ang kaniyang asawa at anak.

Kagabi,nakita ko si Trystan ang kaniyang anak na tinalakay ang masalimuot na buhay niya noong siya ay lumalaki at nalaman niya ang tunay na pagkatao ng kaniyang ama. Napalapit lang siyang muli sa ama nang malaman niyang mayroon itong kanser at ilang buwan na lamang ang itatagal ng buhay.

Sumunod ay ang kuwento ng isang bakla rin na nagpupumilit maging isang mabuting ama, ina at asawa kahit ang kaniyang anyo ay sa isang babae na maganda pa sa kaniyang asawa.

Dalawang propesor ko noon ang nasa ikatlong kasarian. Pareho silang may-asawa at pareho silang normal kung tingnan. Napalapit ako pareho sa kanila dahil siguro ako ang may personalidad na kung hindi mortal na kaaway ng mga prof. ay isa namang dakilang sipsip.

Yong unang propesor ay mapinong kumilos. Ang asawa naman niya ay mas mukhang macho sa kaniya. Ang anak niya noon ay nandito sa Estet at hindi bumalik sa Pinas pagkatapos grumaduate sa isang MBA school.

Yong ikalawa kog propesor ay may kagarapalan.. Boses lalaki siya kung makipag-usap sa kaniyang asawa na isa ring propesor. Nguni't kung maraming guwapo, makikita mo ang kaniyang anyo na para bang gumigiring tandang. Charing.

Dito sa Estet, ang nag-aasawang dalawang lalaki ay parehong nasa ikatlong kasarian. Ayaw ng tunay na lalaki na makisama sa isang may pusong babae kahit ito pa ay nagpapalit ng anyo at ng iba pang parte ng katawan. Ilang taong lang ang nakaraan nang, isang labimpitong taon ang pinatay dahil ito ay isang bading. Kamakailan lamang,isang tinedyer na Pilipinoang pinatay dahil hindi raw niya sinabi ang tunay niyang pagkatao bago sila nagtalik.

Ang Massachussets ay bingiyan na nang karapatan ang mga taong pareho ng kasarian upang magpakasal. Ang San Francisco na pinaniniwalaan na liberal ay hindi pa pinaintulutan ang ganitong uri ng kasal. Hanggang awit na lamang sila...I left my heart in San Francisco...isang awit para sa minamahal na lalaki mula sa isang nagmamahal na kabaro.

The CA t

2 Comments:

At 3:41 PM, Blogger Dr. Emer said...

Ano ang stand mo sa same sex coupling o marriage, Cath? Ako me theory about this, pero kulang ang comment box mo. Baka email ko na lang sa yo.

 
At 12:31 PM, Blogger cathy said...

may iba-blog ako tungkol diyan. later...

 

Post a Comment

<< Home