Walk out tayo
Dear Mouse,
Mahilig akong magwalk out noong istudyent ako. Hindi ko ito dapat ikukuwento para hindi pamarisan pero kung alam ko lang na itutuloy ng mga abugado ni FPJ sana nasabi ko sa kanila na huwag silang magwowalk out kung walang crying ladies and gentlemen. Walang drama. Sabi nga ni MLQ3, the opposition blinked. Dapat, hindi blinked kung hindi wept.
Ang walk out ng mga computer programmers/operators (hindi ako sure kung ano ang mga titles nila) noong laban nina Marcos at Aquino, ang isa sa mga pangyayaring nakapagpa-init sa mga mamamayan upang lalong masigasig na labanan ang pamahalaan sa anumang paraan.Umiyak ang mga babaeng kapitbahay namin noon. Hindi ko naintindihan bakit.
Ang walk out ng mga private prosecutors sa impeachment trial ni Erap ay makabagbag damadamin din. Nakahiga ako noong nanood sa aking TFC, tapos nagblinked din ako, nakita ko na lang umiiyak na sa Loren pati si Drilon. Hindi ko rin pala napush yong record button ng aking VCR.Parang gusto kong i-rewind ang TV ko.
Balik tayo sa walk out ko. Unang walk out ko sa male prof. ko sa Natscie. First day, sabi sa amin noong isang grupo, walk outan namin siya dahil balita nila, kalahati ang ibinabagsak. Unfair pa magbigay ng grade dahil marahil daw nagbubukas lang ng payong, itinatapon pataas ang classcards at kung ano ang kumapit sa payong ay yoon lang ang pasado.Usapan na yon. Unang iksamen ilan lang kaming pumasa. Pasang awa ang sabi niya. Ikalawang iksamen, nagkasundong magwalk out. Sabi ko ready ako. Ang iksamen niya kasi hindi yong nilelecture niya o kaya yong nasa mga nababasa sa references. About politics at current issues. Dumating siya, lumabas ako. Walang sumunod. Nageksam sila.Nag #$%&&* Ako lang pala ang lumabas.
@#$%^&&****ulit.Tinawag niya ako pagkatapos ng eksam. Kinausap. Natawa siya. Bilib raw siya sa akin. May paninin- digan. Kaya lang gullible. Madaling maniwala at madaling magtiwala. Sabi niya kahit binata siya hindi niya ako liligawan. Baka walk-outan ko raw siya sa kasal.Pinapasok niya ako ulit. Nang matapos ang semestre, pinakamataas ang aking marka. Beeeh sa mga kaklase ko.
The CA t
12 Comments:
*click*
*stero starts playing "Walk on By"*
he..he..he.. I remember when Jawo walked out of the finals against Shell (1993?). Inis na inis ako noon. Maka-Shell ako, obviously. Same as my girlfriend then who's my wife now.
Nag walk out kayo tapos nagpakasal?
Walang magkakamaling magsama sa akin sa ballgame.
Bugbog ang kasama ko.Minsan itatatwa pa akong kasama.
Palagay ko mas matandang batch ako sayo sa UP kasi NatScie ang tawag mo sa science subjects mo. Nung time kasi namin di ganyan ang tawag. Anyway, congrats kasi pnakamataas nakuha mong grade, Mahirap talaga sciences subjects sa UP. Lalo na sa proper sa UP Manila. Me mga times na lima lang pumapasa sa isang subject. Paiyakan talaga at sobrang tyaga ang kelangan. Sweerte din kasi kasama ako dun sa mga nkakapasa. Di uso sa amin ang walk-out noong time namin. Takot kami lahat.
Ako parating walk-out pag nagtataray na si misis. Kesa mag-away kami, intayin ko lang yung talagang ibig niyang sabihin tapos walk out na ko. Sa bahay namin kasi, although ako ang leon, ang misis ko naman ang trainer.
ex.
ako: roarrrr! roarrrrr
mrs: SIT! (sabay hagupit ng latigo)
O di ba matindi yun?
buti na yung nag walk out tapos nagpakasal. mahirap yung nag walk out sa kasal.
batjay
Naku cat, pinaalala mo naman ang sinusumpa kong Natscie class (na dependent masyado sa xeroxed reviewers)! Hindi yata tumaas sa 2.0 ang grade ko sa dalawang ekek Natscie classes na yan.
~~~Inasky
Sa magasawa, in my case anyway, hindi walk-out ang dapat gawin. Mas malaking gulo yan! Dapat diyan TUNE-OUT. Trust me, it'll get you through the toughest of fights...
jobert, nakalimutan ko lang sabihin. Tune-out muna bago ko walk-out. Yung una to save my ears, yung pangalawa, to save my skin. hehehe
Oo nga ano. Kalimutan ko na. I guess battered husband ka rin katulad ko. Kumbaga shut out na tayo!
Bakit di ninyo ako ginising? Nandito pala kayo sa balkonahe ko. I could have offer you some drinks. Puwede na ba yong GATORADE. Yong pawis ng alligator. Pamapalaks loob yan da mga husband. Kasi ang ibang wives pag winalk-outan, kasunod noon ang lilipad na
mga damit ninyo. hehehe
doc,
anong tawag sa kanila noon?
Inasky,
Sinabi mo. 1 and 2. Pahirap.
beside the point to pero gusto ko lang magcomment on that course. bad trip yang nat sci na yan. nung time namin, nasa experimental stage daw. ginawa ba namang filipino ang medium of instruction. di ko tuloy maintindihan. ayaw ko pang magtransfer sa english na class ng nat sci nun kasi nandun sa filipino ang crush ko who happened to be my close friend at that time. much insulting pa in my part kasi sa science high school ba naman ako nagtapos. e ang grading system nung teacher, me once a week na oral recitation. in filipino. that time, boba talaga ako sa tagalog. ayun, halos magkabagsak bagsak ako. hehe.
Post a Comment
<< Home