Demonstrasyon-Ano ang Isinusulong?
Dear Mouse,
Ang mga demonstrador ngayon ay hinaharap lamang ang hose.
Utang na loob,kung gusto ninyong maligo, magdala kayo ng sabon.. OOOps.
Ang mga demonstrador noon ay hinaharap ang mga nguso ng armalites.
May mga malaking kaibahan na ngayon ang demonstrasyon. And demonstrasyon noong panahon ni Marcos ay pakikibaka sa isang diktaduryal na pamahalaan sa tulong ng mapanikil na dayuhan. Isang paniniwalang hindi isinusulong ang interes ng isang indibidwal.
Ngayon ang demonstrasyon ay isang pakikibaka para sa kapakanan ng isang tao at mga taong nasa likod niya.Mga Pikon.
Sinisira nila ng legasiya ng mga kabataang nabuwal sa dilim sa paghahanap ng kalayaan hindi lang para sa kanila kung hindi sa mga isisilang pang Pilipino. Ayaw nilang danasin ng kanilang mga anak ang kanilang dinanas na may busal sa bibig.
Mahiya ang mga pekeng demonstrador na ito. Wag nilang bigyan ng masamang alaala ang mga Kabataang tunay na may idelohiya.
The CA t
6 Comments:
Cat, minsan nagtataka ko sa mga nakikita kong nag dedemonstrate ngayon. Parang sila't sila na lang parati. Wala na bang ibang trabaho ang mga iyun? Kahit anong issue nandun sila. Ano sila, mga zealots? Nung first quarter storm, bata pa ko, first year high school kaya di ako nakasali sa rally. Maraming bumulagtang estudyante. KM at SDK ang mga samahang sikat.
Nagloloko yata server ko. Ayaw mag register ng post ko. Anyway, nung first quarter storm, ang daming bumulagtang estudyante. KM at SDK ang mga kilalang grupo. Minsan parang commune. Ang UP mistulang war zone. Ibang-iba. Intellectual ang labanan.
Ngayon iba na. Pare-parehong mukha ang makikita mo kahit na anong issue pinag-lalabanan. Ano yun? mga passionate zealots? o wala nang magawa sa buhay? Ayan, masamang manglait, pero nagtataka lang talaga ako e.
hmmm... hindi ako nabuhay noong panahon ng FQS, pero noong nasa kolehiyo pa ako (94-98), lagi din akong nasa lansangan. madalas din ay nasa mga piket line ako ng mge welgista tuwing walang pasok sa school, nakikipamuhay sa mga manggagawa. Naranasan ko na rin ang ma tear gas at mabomba ng tubig noong tinututulan namin ang GATT-WTO. Muntik na rin akong mahuli ng pulis dahil sa pagdidikit ng poster laban sa APEC. Mabilis lang ako tumakbo at malaki yung tiyan nung pulis :) Actually, hanggang ngayon, paminsan minsan ay sumasama pa rin ako sa mga demonstrasyon lalo na kapag may kinalaman sa gera ni BUSH. Ngeks! nagkukwento na pala ako. teka lang, ano ba gusto kong sabihin?
i really cant see what's wrong kung pare-parehong mukha nakikita sa ngayon? Ang tutol ba sa pagtaas ng presyo ng langis ay hindi pwedeng tumutol sa pagtaas ng singil sa kuryente? sa gera ni bush at gma, tito rolly?
zealots, maybe. pero yung sabihan silang walang magawa sa buhay, kalabisan yun (as far as the group i'm with is concerned). Marami kasi akong kakilalang imbes na nagpapasarap sa buhay dahil maykaya naman sila, ay pinili pa rin nila ang mahirap na buhay ng pag-oorganisa ng mga aping sektor ng ating lipunan. And I find it noble. after all, sabi nga ni Kristo: I came to serve, not to be served. Ang esensya ng pagiging kristiyano para sa akin ay ang paglilingkod sa tao, sa sambayanan. Specifically, yung mga marginalized sector gaya ng mga "ochlos" noong panahon ni Kristo.
Ms. Cat, sensya na napahaba comment ko. :)
I may have hit a toe with my post. Forgive me Apol. It was a generalized statement and probably insensitive. What I had in mind are the people na walang magawa kundi manggulo sa mga lehitimong nag ra-rally. I dont think we can deny the fact na merong mga ganito. It's one thing to air your sentiments in the streets, it's another to cause destability and chaos.
it's ok tito rolly. may point din naman kayo don eh. may mga sumasama din naman sa demostrasyon for a fee, or para manggulo lang. pero kung titingnan din naman, biktima lang din sila ng mga pulitikong pulpol. mahirap din kasi kapag sikmura na ang kumalam. add ko po kayo sa links ko ha? sana ok lang. :)
Tenks sa comment titorolly and apol.
Lahat tayo may kaniya-kaniyang opinion. Dito ang pagiging demonstrador/activist ay isang trabaho. Nakaadvertise pa na sa diyaryo.Depende kung ano ang pinaglalaban. May mga professional lobbyists din,na funded ng mga private companies para i-block o iadopt ang mga batas na pabor sa kanilang producto.
May nameet akong nars dito sa Estet na dating aktibista
diyan noong FQS. Nakulong pa nga raw siya sa isang
kampo ng militar. Napapailing siya pag nakikita niya ang mga demonstrasyon ngayon. Ngayon ay tahimik siyang
namumuhay dito sa Estet. Pero marami siyang kuwento na
pinipilit niyang ilibing sa limot.
Post a Comment
<< Home