Thursday, June 17, 2004

Si Putin -Utang na loob

Dear Mouse,

Si Putin, hindi mo man siputin ay si Putin pa rin.

Yan ang sabi ng lolo ko pag napag-uusapan ang kaibigan niyang ang pangalan ay Putin. Short for Rasputin. Madalas niyang sabihin, “ Put…na bleep,bleep hindi na naman sumipot si Putin”sasabihin niya pag siya ay naindiyan sa kanilang drinking session.

Ang sinasabi kong Putin ay si Vladimir Putin, that vlady President of Russia.

Katulad ng mga pangulo ng ibang bansa kasama ang Pilipinas,si Putin ay nailagay sa kapangyarihan dahil sa kayamanan ng mga bagong oligarchs sa Russia. Oo Birhinya, samantalang pinag-iinitan ni Quiroz ang mga katulad naming mga sell out,

Aniya:

We do it at the first sign of trouble. I have said this countless times, but it remains true. Our national dream is our national tragedy: It is to live abroad.Specifically, it is to live in America

Aray,pisa ang kalyoko.

si Esposo naman ay sinisisi rin ang mga oligarchs.

Aniya:

If the majority of Filipinos who are poor knew how the exploitation operates, how the oligarchs control the levers of economic and political power through their proxies in the executive, legislative and judicial branches of government - then a real people's party would have evolved by now and with the majority vote that they represent, they can take over the powers of the state
.

Ngayon ay nagdeklara ng giyera si Putin laban sa mga Russian Oligarchs na mga ito, kasama ang tumulong sa kaniya para siya mahalal, si Berezovsky. Wala siyang UTANG NA LOOB.

Utang-na-loob-Birhinya, ang utang na loob ay uso lang sa Pilipino. Ang ibang mamamayan ng Mundo ay ni hindi marunong magtenk yu. Tayo ay magiging habang buhay na alipin ng isang tao na nakatulong sa atin sa panahon ng ating pangangailangan. Did somebody mention the name, RENE SAGUISAG?

Pakilakas hindi ko MARINIG. Ano kanyo Lopez?

Ang ibinigay ni Putin na dahilan sa kaniyang pakikibaka ay ang kinatatakutan niyang pagkontrol ng mga oligarchs na ito sa ekonomiya ng bansa at sa pulitika.

Ang sabi nga sa balita:

But all shared a common thirst for money and power, the latter of which included establishing -- or maintaining -- connections to the political elite in Russia, a country where the rule of law is still sometimes trumped by the rule of in-laws.

Kaya sila ay isa-isa niyang kinakasuhan ng tax evasion, money laundering at marami pang kaso na baka kasama pa ang pagkakaroon ng biyenan na pakialamera.

Parang bumabalik sila sa kapanahunan ni Marcos sa atin kung saan nakipagbaka rin siya sa mga oligarchs.Isa-isa silang bumagsak maliban sa kaniyang mga cronies.

Ngayon, balik ang mga oligarchs natin. Kaniya kaniyang kandidato. Sisiputin kaya tayo ng isang PUTIN na makikilaban sa mga oligarchs na ito hindi dahil sa ayaw nila ng kakumpetensiya. Pahinog kayo. Kumain na lang kayo ng mangga ni Anp at hintayin ninyong magpaliposuction ang ating mga pulitiko ng kanilang mga utak. Di ba Doc. Emer?

Canned laughter….delatang tawa. Hak hak hak.

The CA t

7 Comments:

At 1:07 PM, Blogger rolly said...

CAt,
isa sa mga dahilan kung bakit nagkakagulo-gulo tayo ay dahil sa utang na loob. Yung mga leader natin, dahil tinulungan ng mga sindikato para manalo, kailangan tulungan din nila pag sila na nakaposisyon.

Mas mahirap kung ang sindikato ay talagang big time at pumapatay ng tao. Imagine, kung ikaw ang leader and you mean well, pero here comes a syndicate who tells you to leave them alone, promise you millions of pesos or else they'll kill you. What would have been your choice?

 
At 3:08 PM, Blogger cathy said...

pagagawa kong bilyoneses. hehehe
kaya hindi ako pumasok sa BIR, doc dahil ayoko mapunta sa ganiyang sitwasyon. Para maiwasan ang putik, kailangan huwag kang susulong sa lubluban ng kalabaw.
"simpleng buhay" lang gusto ko. Yong pakape, kape sa NY, papasyal sa London. aray nambatok na naman kaagad. eh

 
At 3:22 PM, Blogger Dr. Emer said...

Me good and bad ang utang na loob syndrome natin, Cath. Medyo lumalamang nga lang ang bad sa good kaya malungkot mga resulta. Kung ang utang na loob ba na gawin ng mga Pilipino lalo ng mga lider natin ay utang na loob sa Inang Bayan na makapaglingkod ng mabuti at magsakripisyo kung kinakailangan, palagay ko, malaki ang pag-asa at mabilis tayong makakaalis sa mga kumunoy na kinalulubugan natin.

 
At 8:57 PM, Anonymous Anonymous said...

doc,
totoo yan.kagaya ng utang na loob sa magulang.Mayroon namang mga gumagawa ng kabutihan hindi para magpautang na loob kung hindi hikayatin ang ginawan ng kabutihan na gumanti sa ibang nangangailangan. Kagaya mo doc, baka noong mga nakaraang araw ay may tumulong saiyo o may nagbigay ng pera. Hindi masama kung gaganti ka kung ibibigay mo namam sa akin. Arey...natusok naman ko ng heringilya....canned laughter, please.

Cathy

 
At 9:06 PM, Blogger Dr. Emer said...

Basta libre kita ng bayawak sa Binondo pag nadalaw ka dito sa Pilipinas. =)

 
At 9:07 PM, Anonymous Anonymous said...

pasensiya ka na titorolly kung natawag kitang doc. magkukumpisal na ako sainyo, hindi ko suot yong aking salamin minsan pag nagtatype ako sa opit. Madalas kasi
sumilip yong isa kong crush,inaalis ko yong salamin ko.
Maganda raw kasi ang mata ko. Beautiful eyes naman ako kahit nagsasayaw ang mga letra sa harap ko sa labo ng mata ko.

Cath

 
At 10:45 PM, Blogger rolly said...

okay lang yun. Sarap ngang pakinggan. Doc Rolly. Hihimatyin ang nanay ko kung naging totoo yun. Ako din minsan nagkakagulu-gulo ang post kasi minsan sumisingit ako ng post sa trabaho. Kunyari busy. Kunsabagay I am exercising my brain. O di ba!

 

Post a Comment

<< Home