Wednesday, June 16, 2004

Magkano ang dalawang bilyoneses?

Dear Mouse,

Bakit kailangan pa ang certificate of good moral character para kay Bolante galing sa mga fellow Rotarians para pasubalian na siya ay naanggihan sa 50 per cent commission sa GMA funds para sa mga magsasaka.

Hindi ko sinasabing siya ay humingi ng saklolo sa kaniyang mga kabarangay. Hindi ko naman sinasabing sayang naman ang kalahating milyon ginastos niya para i-blow out ang mga fellow Rotarians niya. For all we know baka fellow Rotarian din niya ang nagleak noong balitang mala –Imeldang pagcelebrate ng pananalo .Hindi ko sinasabing ang dahilan kaya kailangang sumali ka sa mga organisasyon, para may kakampi ka na ay para masabing ikaw ay hindi kagulang-gulang na negosyante.? HINDI KO SIYA INAAKUSAHAN. Si Chavez ang umaakusa sa kaniya.

Kung ang networth niya ay 270 milyoneses, magkano dito ang kinita niya noong hindi pa siya kunektadosa gobyerno at magkano ang idinagdag noong siya ay isa ng opisyales. Simple lang makuha yon. Tingnan ang itinubo ng kaniyang ari-arian ng walang fertilizer. Phulease, huwag nila akong sabihan na hindi niya kailangan ang posisyong yaon. Hindi naman niya linya ang Agriculture o kaya ang kaniyang negosyo naman ay para sa mga patay, bakit siya pumasok sa departmentong yan ? Phlease, huwag nilang sabihing may pera siya at hindi niya kailangan ang pera. Bakit sina Jamby, Enrile atbp ay magpupumilit maging Senador ?

Si Villar at asawa niya ay mga milyonaryo rin pero ayaw nilang bitiwan ang Las Pinas.

At please ang dalawang bilyoneses ay di hamak na malaki kaysa 270 milyoneses. Subukan ninyong bilangin sa daliri ninyo. Isama na ninyo ang paa. O diba malaki?

TheCAt

0 Comments:

Post a Comment

<< Home