Dalawang Mukha ng Buhay
Dear Mouse,
Nakita ko sa TFC and dalawangmukha ng buhay. Una ay ang kaligayahan nang isang mag-anak na naghihintay ng pagbabalik sa amang napasa kamay ng mga terorista sa mahigit nalabingpitong araw.
Ang mag-anak ay may bagong bahay, may mga scholarships ang mga bata, mga donasyon ng mga pulitiko na hindi natin alam kung kinuha sa kaban ng bayan.
Hindi masama.
Ang isapang mukha ay larawan ng isang mag-anak na nagda- dalamhati habang inihahatid sa huling hantungan ng isa ring ama na OFW na namatay din sa parehong bansa.
Ang mag-anak ay walang masyadong natanggap na tulong. Ang mga batang anak ay hindi inalo ni Volta at ni Spiderman. Walang mediang nag-away sa pag-uunahang makausap ang mga kamag-anak, malayo man o malapit. Walang gobernador na dumalaw sa kanilang tahanan at walang senador na magsasapelikula ng buhay na namatay.
Ganiyan talaga ang buhay; isa ay may ngiti at isa ay may lungkot.
The Ca t
4 Comments:
Ganyan nga yata talaga ang buhay Cat. Ang mga tinutulungan lang ng mga opisyales ay yung mga taong makakakuha sila ng media mileage. Yun ang kanilang assurance na sila e makikilala at magdadala ng boto.
Kasi nga naman, walang drama sa pagkamatay ni Raul Flores. Hindi mabenta sa advertisers kaya hindi masyado pinansin ng media. Sa gobyerno naman, aba'y patay na s'ya. Hindi na s'ya instrumento para mapabango ang imahe ng mga pulitiko. Ganyan nga ang buhay. Bad trip. Puro kaplastikan.
Malungkot nga. Pero sana me gawin din naman ang gobyerno ngayon na may nagbabalita na tungkol sa nagyari sa kanya. Sabi dito tinutulungan naman daw ng OWWA, pero noong makausap yung kapamilya nya, hindi naman daw gaano.
Pero alam mo Cath, kahit naman buhay ka at di natepok sa Iraq, maiingit ka sa mga natanggap, tinatanggap at tatanggapin pa ni Angelo at pamilya nya. Wait until he arrives here. I am sure it will be fiesta-like. Kulang na lang i-declare na public holiday.
hindi kasi pwedeng gumawa ng sound bite yung patay. ano ba yan nagiging jaded cynical prick na akong tuluyan. nung bata pa naman ako, jedi ang gusto kong maging. nakakalungkot.
Post a Comment
<< Home