Tuesday, July 13, 2004

Totoo kaya ang aking kutob?

Dear Mouse,

Bago uminit ang balita ng pagkahostage kay Angelo dela Cruz, nairita ang Palasyo dahil sa pinaabot na mensahe kay GMA sa pamamagitan ni Ambassador Ricciardone.

UNITED States Ambassador Francis Ricciardone said US development assistance to conflict areas in Mindanao, amounting to 30 million dollars, would be sent to other troubled countries if the peace process failed to settle the decades-long Muslim insurgency in the south.

"There is a lot of demand for US development assistance around the world," Ricciardone said. "That money will go where it is most needed."

He said the money could go to Afghanistan or Iraq, where US troops were based, restoring normalcy after toppling the Taliban and then Iraqi president Saddam Hussein.

Kabuuan ng balita.

Ang pag-uulik-ulik ng pamahalaan sa pagpapauwi ng tropa ng Pilipinas ay nagtulak sa Estados Unidos upang:

1. magbigay ng pang-uuto---eheste pagbibigay puri sa hindi pagsuko sa mga terorista. Si Colin Powell ba yon ? Ito ang sinasabing inuunahan na para hindi magbago ang isip.

2. Utusan si Embassy Counsellor for Public Affairs (bakit kaya hindi na si Ricciardonne, halata bang iniisnab ni GMA noong minsang sila ay naglalakad nang magkasabay)para iparating sa Malacanan na ang 30 million dollars ay available pa at kabalintunaan sa sinabi ni Ricciardonne,kung irerechannel ito ay sa USAID mapupunta na karamihan sa programa ay sa Mindanao rin.

Pero,subali't datapwa't hindi ito maaring maaprubahan ulit ng Kongreso ng America hanggang sa susunod na taon. Di ganoon din yon. Wala na talaga yong development aid.

Sana mali ang kutob ko na hindi ang pagtatampo at pagtitikis ni GMA sa Estados Unidos ay ang dahilan ng pag-aalis niya ng tropa sa Iraq kung hindi ang hangaring mailigtas ang kababayan. Kung sakali lang na ang development aid ay matatanggapng Pilipinasito ay natanggap ng Pilipinas, siya kaya ay may ibang kapasyahan ?

Kung totoong nag-offer ng ransom money,tinanggap ba ito ng mga terorista pero hindi rin pinakawalan ang bihag tulad ng nangyari kina Burnham. Tapos hindi sila makareklamo dahil sa balita ay sinasabi nila na hindi sila pumapayag magbayad ng ransom money.

Kaya kahit kailan ayaw kung suotin ang kaniyang SAPATOS.Isa;maliit ang sapatos niya,hindi kasya sa akin; ikalawa, ang dami niyang utang na loob na babayaran ;ikatlo, pabago-bago ang isip niya at ikaapat marami siyang dapat desisyonan.

Ngayon lang nahihirapan na akong magdesisyon kung ano ang iuulam ko;kung magbubukas ako ng delata o magbubukas ng bintana para palabasin ang amoy nglulutuin kong tinapa.

Makikain na lang kaya ako.Ngiyaw.

The CA t

6 Comments:

At 2:07 AM, Blogger rolly said...

Ransom money? I doubt it. Hindi naman Abu Sayyaf yan e. If they wanted money, I would assume its in the millions of dollars. Wala tayo nun! How can we even offer that? Medyo malabo yata yun. IMHO, it's more about giving in to pressure.

 
At 6:35 AM, Blogger cathy said...

titorolly,
baka kaya hindi tinanggap dahil maliit o talagang ayaw nilang tumanggap ng pera.

kahit sa kaso ni Burnham at ng ibang hostages, hindi umamin ang sinuman at hindi nilathala sa pahayagan na milyon milyong dolyar and dumaloy para mapakawalan ang mga bihag.

Gusto kong maniwala na para maging successful ang
operation ng mga terrorista, dapat mayroon silang pera.
Ang ibang bihag marahil (tulad noong Hapones na hostage)
ay para sa kanilang "operating expenditure" at ang ibang bihag ay para sa kanilang isinusulong na pakikibaka kung ano man yon.

Ang orihinal na nagtayo ng AS ang mga rebel groups na sinasabi ay maaring magkaklase sa training camp.

 
At 1:29 AM, Blogger Jdavies said...

Masamang magtampo ang pinoy :-)

 
At 12:32 PM, Anonymous Anonymous said...

Thank you!
[url=http://wsmhgcii.com/orvv/asjp.html]My homepage[/url] | [url=http://stpviait.com/wpxy/hzsx.html]Cool site[/url]

 
At 12:32 PM, Anonymous Anonymous said...

Thank you!
My homepage | Please visit

 
At 12:32 PM, Anonymous Anonymous said...

Nice site!
http://wsmhgcii.com/orvv/asjp.html | http://jtciqmep.com/mgbr/iofs.html

 

Post a Comment

<< Home