Panawagan
Dear Mouse
Sabi nga ni Sassy… Ina yan…Ngayong umaga, gabi sa Pinas…muntik nang maligwak ang kapeng iniinom ko dahil sa pinanonood kong Magandang Umaga sa TFC at sabihin ding Ina...yan.
Kababalita lang ng correspondent sa Iraq na nagpahayag na nang pag-pull out ng Philippine humanitarian troops. Ipinakita ang Undersecretary na nagpahayag ng sumusunod.
In the name of the Filipino people and the name of humanity and the family of De la Cruz and his eight children, the government of the Philippines is pleading for his release. In response to your request, the Philippines will withdraw its humanitarian force as soon as possible," Seguis said.
"I hope the statement that I read will touch the heart of this group," Seguis said during his appeal to the Iraqi kidnappers, who identified themselves as the Khaled Bin AlWalid Corps of the Iraqi Islamic Army.
Ilang sandali lamang ay tinanong ni Julius ang correspondent sa Iraq kung ano talaga, dahil ang balita sa Pinas ay hindi magpupull-out.
Biruin mo Mousey, biglang nagloko ang connection nila sa Iraq at pagkatapos sigurong magmura ng !@#$%^& ang correspondent dahil palagay niya nakuryente siya muli siyang bumalik at sinabi niyang binase niya ang balita sa pahayag ng Foreign Undersecretary.
Ano ba ang tama ? Will withdraw ang nagsasabi na pakawalan ninyo si Angelo dela Cruz at iuuwi na naming an gaming tropa. Kung ako ang mga kidnappers sasabihin ko sa kanila…ano bale, iwithdraw ninyo muna.
The CA t
Dear CA t,
Mukha yatang wala naman lang silang open communication sa mga kidnappers. Ang statement ay parang panawagan sa radio na;
Kung nakikinig ka Pedro, nasaan ka man ay umuwi ka na. Dahil kung may communication sila sa mga rebeldeng ito, magiging pribado ang kanilang pag-uusap. Opinyon lang ito ng daga na maaring pumasok kahit sa maliit na lungga at makinig sa usap-usapan ng mga tao.
The Mouse
0 Comments:
Post a Comment
<< Home