Ang Media at ang mga sumasakay sa balita
Dear Mouse,
Hindi ako pabor sa giyera. Gusto kong makaligtas si Angelo dela Cruz.Alam ko ang nararamdaman ng isang anak sa pag-alala sa amang nakabingit ang buhay sa kamatayan.
Subali’t ang gawing kahalintulad ng kay Ninoy pagbabalik ni Angelo dela Cruz ng mga grupong sumasakay sa kaguluhan, kalungkutan at kahindikhindik na paghihintay ay masasabing OVERKILL.
Yellow ribbons sprout in Metro for Filipino hostage
TREES and posts in several areas in Manila have sprouted yellow and white ribbons -- a symbol of hope for the liberation and homecoming of Angelo de la Cruz.
Two militant groups, the League of Filipino Students (LFS) and Gabriela, conducted separate activities Tuesday reminiscent of the operation preceding former Senator Benigno "Ninoy" Aquino's return in 1983. (inquirer)
Oo nga’t tinuturing na bayani ang mga OFW /OCW pero kung talagang hangad nila ang tumulong sa mga nagiging biktima ng tadhana , bakit hindi man lang sila tumirik ng ISANG KANDILA sa isang domestic helper na natagpuang patay at sinasabing nahulog sa ikalawang palapag ng condominium na tinitirahan ng kaniyang amo. Bakit hindi nila imbestigahan ang sanhi ng kamatayan. Wala pang isang minutong ipinakita sa balita ang malungkot na pangyayari sa Pilipinang yaon.
BAKIT, dahil ba ang lahat ng media ay nakafocus kay Angelo dela Cruz? BAKIT, dahil wala ba silang makukuhang media mileage sa isang kawawang hindi kilalalang OFW ?
The CA t
2 Comments:
Sigurado photo op na naman yan sa mga politiko.
At huwag nating kalimutan ang pagsasadula ng kanyang life story sa telebisyon o kaya pelikula.
Aba.. kulang na lang ang merchandising. T-Shirts, mugs, bumper stickers...
May ticker tape parade rin kaya sa kanya?
Truth to tell, it is all media hype. Dito everyday ang mga tabloid nakaplaster ang pangalan niya. His name sells kaya...
Naalala ko nung pumutok ang Kris-Joey scandal. That same night, more than 15 people died in a bus accident. Wala pang 3 minutes ang reporting. Yung sa Kris-Hoey halos lampas 30 minutes...
baka naman magbenta na naman sila ng yellow ribbon niyan.
Post a Comment
<< Home