Wednesday, July 14, 2004

Minority Report

Dear Mouse,

Minsan siguro dapat huwag na akong manood ng pelikula.

Isa sa mga pinanood ko noon ay ang Minority Report ni Tom Cruise. Isang futuristic movie na ang mga police ay tinutulungan ng psychic sa paghuli ng kriminal ehestee,magiging kriminal.

Sa pelikula, si Tom Cruise ay naging fugitive from law dahil hinulang magigi siyang criminal.

Basahin ninyo ang justification ni Bush sa Iraq War pagkatapos na malaman na ang WMD ay hindi naman makita.

"We removed a declared enemy of America who had the capability of producing weapons of mass murder and could have passed that capability to terrorists bent on acquiring them. In the world after September 11th, that was a risk we could not afford to take," Bush said.

Ano sa palagay ninyo?

Napanood na ba ninyo yong pelikula ng paborito namin ni Sassy at Ina---si Brad Pitt at Robert Redford na may-ari ng Sundance Film and Acting Academy na siyang naglulunsad ng Sundance Film Festival kung saan nanalo Si Ramona Diaz sa pelikulang Imelda sa cinematography?

Sa pelikula ay nahostage si Brad Pitt at ayaw ng US government nang gumawa ng anumang paraan para siya iligtas dahil makokompromiso ang trade talks sa dalawang bansa.

The Cat

3 Comments:

At 8:28 AM, Blogger batjay said...

yan talaga si dubya. napaka screwed ng pag-iisip. kaya tuloy siya nabibigyan ng dirty finger ni spiderman eh.

 
At 12:08 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

"Spy Game" yung kina Brad Pitt.

Naku, Cath, panoorin mo yung "Swordfish" (John Travolta, Hugh Jackman, Halle Berry). Yung mga dialogue ni Travolta, foreign policy ni Bush.

 
At 5:43 AM, Blogger rolly said...

Actually, kung talaga namang may nakitang wmd, my view would have been much different. The war would have been justified. Kaya lang, wala nga e.

 

Post a Comment

<< Home