Paalam
Dear mouse,
Parang espada ni Damocles ang balitang isa sa amin ay kailangang mag goodbye na sa aming maliit na kaharian sa opit.
Mula ng 9/11, lahat halos ng mga negosyo, malaki at maliit ay nagbawas ng mga empleyado kung hindi man tuluyang nagsara. May mga empleyado noon na nagising isang umaga at nakita nilang sarado na ang kanilang opisina.
Ang aming organisasyon ay hindi para kumita at wala kaming mga dapat pasayahing stockholders.
Ang aming misyon ay tumulong sa mga naliligaw ng landas dahil sa pagkakalulong sa bawal na gamot,nabaliw dahil sa abusong natanggap o sanhi na rin sa pagkakalulong sa alcohol at droga, mga walang tahanan, mga walang pambili ng damit, mga walang pinag-aralan na nangangailangan ng atensiyon sa kanilang kalusugan o karamdaman, mga anak ng mga nagbabagong buhay na mga drug addicts o ang mga magulang na labas masok sa bilibid. Lahat ng kumatok ay tinulungan.
Pero para matupad ang misyon na ito ay kailangan ang tulong ng mga taong magbibigay ng donasyon kahit ang kanilang intensiyon nila ay magkaroon ng ibabawas sa kanilang buwis na babayaran. Nang kasagsagan ng mataas na ekonomiya ng bansa,maraming tinaggap na donasyon at ang iba nito ay naitabi para sa kinabukasan. Subali't dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ang mga nagbibigay ng donasyon ay tila napalis. Ang mga dating kumikita ng malaki ay nagkakasya na lamang sa maliit na kita upang may maipang-agdong buhay. Wala na silang maibigay.Mula sa milyong milyong donasyon, naging daang libo na lamang na hindi sapat para sa araw-araw na pangangailangan.
Sa loob ng taong nakalipas, tuwing bahagdan ng taon, may mga desisyong kailangang isakatuparan para mabawasan ang gastusin.
Ang mga naunang naapektuhan ay ang mga nasa pinakamataas na puwesto. Kung hindi gumulong ang ulo, nabawasan ang kanilang mga araw.Sa sumunod na arangkada, ang mga nahagip naman ay ang mga nasa ibabang bahagi ng hagdan.Sa sumunod ng pagpapatupad ay walang inalis subalit binawasan naman ang pribelihiyong libre ang insurance ng kahit ilang dependents. Natamaan ang aking kasama. Parang nabawasan ang suweldo niya ng kulangkulang na 500 dollars isang buwan dahil sa mga anak niya at asawa na kasama sa coverage. Solong katawan ako kaya wala sa aking epekto.
Noong nakaraang Linggo,bumagsak ang espada ng Damocles.Alam kong naputol na ang lubid na nakatali dito.
Hindi raw personal at hindi sa aking performance dahil wala silang mairereklamo, pati ang mas mataas sa akin ay umamin na marami silang natutuhan sa akin.
Sabi ko hindi masama ang loob ko. Nauunawaan ko yon dahil dumadaan sa aking kamay ang mga numerong nagbabadya ng masamang kalagayan sa pananalapi. Hindi kami tulad ng ibang kumpanya na maaring magtaas ng presyo para lumaki ang kita.
Kung ako rin siguro ang pagdesisyonin, hindi ko aalisin ang empleyado na malapit ng magretire. Kung ako rin siguro ang papipiliin sa pagitan ng isang empleyadong sakitin at kailangang may insurance at may mga anak na maliliit at pinag-aaral,kahit na hindi siya masyadong magaling ay pipiliin ko pa rin siyang manatili kaysa sa isang empleyadong walang maliliit na anak na magihirap. Tulad na rin ito nang pagbibigay ng priyoridad sa mga taong napagbago ng organisasyon kaysa sa mga aplikanteng nanggagaling sa labas upang mabigyan sila ng pag-asa upang magsimula muli.
Kung ako rin ang mamili sa pagitan ng aking kaibigan at isang istranghero sa bansa, pipiliin ko na rin ang aking kaibigan.
At marahil sa pagitan ng empleyado na ang suot na singsing ay puwet
na baso at ang isa ay isang diyamanteng kumikinang, pipiliin kong
alisin ang huli.
Subali't ayaw kong isipin na ang mga pagkakataong kailangang ipakita ang mali sa mga taong inaasahang alam ang nararapat para sa puwestong kanilang kinalalagyan ay nagkaroon ng kaunting konsiderasyon sa pagpili ng taong bibigyan nila ng papel na rosas. May kasabihang ang katotohanan ay mas masakit pa sa mariing sampal.
Ano man ang dahilan, isa pa ring karangalan ang makapagtrabaho sa isang organisasyon na nakakatulong sa mga mahihirap kaysa sa mga kumpaniya na nagpapahirap sa mga mamamayan. Kung sakaling pagod na ako sakahahabol sa berdeng dolyar, marahil magtatayo rin ako ng ganitong organisasyon sa Pilipinas.
Ibig kong pagdating ng panahon,at ako ay tanungin sa numero, hindi ang numero ng aking kinita ang aking sasabihin kung hindi ang bilang ng buhay na aking natulungan. Ambisyosa,noh?
The Ca t
6 Comments:
kung nariyan lang ako eh inaya na kitang makipag inuman. marami tayong bagay na pagkukwentuhan - fears, pains, aches, doubts, joys, triumphs (hindi yung bra at panty pero pwede na rin) at kung ano ano pa.
Cath,
Kung seryoso ka na magtayo ng NGO dito sa Pinas, e-mail mo ako, ha? Tinangka namin 'yan ng isa kong dating boss. Right after I resigned from a professional organization. Pero, hirap na hirap kami makakuha ng funding. Ayaw kaming pansinin at baguhan nga. Kahit napakaganda ng aming project proposals.
Dapat lang naman na ang isipin ay di numero kung hindi ang mga kabaitan na maari nating magawa habang andito pa tayo.
Ipagdadasal din kita, Cath, katulad ni Jof.
God be with you.
"Kung sakaling pagod na ako sakahahabol sa berdeng dolyar, marahil magtatayo rin ako ng ganitong organisasyon sa Pilipinas."
When that tie comes, Cath, you are assured that I will only be glad to help out. Hirap kasi ngayon at kailangan ko pa ring kumayod para sa pamilya ko. At least ikaw, berde hinahabol mo. Ako kung ano lang ang maibigay e. hehehe
tenks doc
jay,pagkatapos nating maglasingan,tayo ay magkakaraoke.
titorolly,
pagod din akong humabol ng dolyar.kaya baka sasakay na rin ako. hehehe
Sorry to hear about your... kung nandito ka sana Philippines, ililibre kita isa case SM Light... magaang dalhin. Doon sa Ortigas Center sa October 30 kasama sina Miss Sass, Doc Emer, Tito Rolly, Bayi, at Batjay. Sila apat magbubuhat sayo hehehe.
Kasama ka na sa prayers ko.
rosario
Post a Comment
<< Home