Utang 'na ninyo ?
Dear Mouse,
Ito po ang karugtong ng mga tanong tungkol sa utang na loob/utang na labas ng bansa.
Tanong: Ano po ba ang ibinigay na dahilan sa paglaki ng ating utang?
Sagot: Ayon sa mga ekonomista, tatlo ang dahilan.
Ito ay:
1. ang gastos ay palaging sobra sa kinikita. (deficit)
2. ang dolyar ay palaging nakikipagluksong tinik sa peso.(exchange rate changes)
3. ang utang 'na nilang mga walang- pakialam-na-mga-namamahala-sa-mga-korporasyon-na- pag-aari -ng-gobyerno-na-pagnalugi-ay-pinapasa- ang-kanilang-mga-utang-sa-gobyerno.(assumed liabilities and net lending credits of gov't controlled corporations.
Sa panahon daw ng 1997 hanggang 2003, ang koleksiyon ng buwis ay mahina.
Hindi naman nakakapagtaka ito dahil alam na ng bayan na pag napasok ka sa BIR ay para kang nanalo ng lotto. Dahil sa laki ng kinikita nila sa mga lagay, may mga examiners na binabago ang kanilang date of birth para hindi sila i-retire kaagad. Kung inaakala ninyong ang napapamana lang ay ang mga ari- arian, nagkakamali kayo. Sa BIR, ang mga anak ay nakakamana ng puwesto mula sa magulang.
Walang bisa ang lifestyle check na yan. Karamihansa kanila a nagtatayo kuno ng negosyo na kahit lugi ay kanilang pinagpapatuloy para masabi lang na may iba silang kitang pinanggalingan.
Tanungin ninyo ang kapitbahay ko na nakatira sa isang hindi kalakihang bahay pero maramingbahay sa mga ibang villages sa ibang pangalan.
Pero kung karimarimarim ang ginagawa ng mga ganid na mga kolektor ng buwis, kadusta-dusta rin ang mga ginagawa ng mga nasa government- controlled corporations na sabi nga sa paper ay "inefficient and lacking of accountability".
Porke hindi nila pera, wala silang pakialam dahil wala namang stockholdersn na kakatay sa kanila pag ang operasyon ay laging lugi. Karamihan sa kanila ay pasok ng mga pulitiko, mga Dayunyor,mga kumpare,mga inaanak sa kasal,mga inaanakan na magagandang kabit, at mga drinking buddy:
na para bang ang mga government-controlled -owned corporations ay employment agency.
haah
The Ca t
1 Comments:
walang pulutan.
Post a Comment
<< Home