Thursday, September 09, 2004

Bank(o)ing and Finance 101-Paano magbankrupt ng banko

Dear Mouse,

Time out muna ako sa fengshiu although natalo nito ang topic tungkol kay Madam Auring at talumpati ni Patricia Evangelista sa dami ng searches. Gusto ko namang magpakaintelektual. (ahem)

Gusto kong talakayin ang pagsasara ng isang bangko na nagkaroon ng bank holiday. Dati ang tawag dito ay bankong tumatakbo (bank run). Ngayon pala ay bangkong nagbabakasyon na. Ano kaya ang susunod? Puwede bang bangkong naghihingalo ?

Kahit po seryoso ang topic ay guguluhin ko para maunawaan. Gulo noh?

Ang nagsara po ay thrift bank. Ibig sabihin, matipid po ito. hehehe

Ang kaibahan ng thrift bank sa universal bank ay limitado ang mapaglalagyan nito ng pera para kumita at karamihan ay maliliit lang na depositors ang naglalagay ng pera. Hindi ito puwedeng magbukas ng letters of credit para sa mga negosyante na karamihan na ay nagiging source of income ng mga bangko. Ang malalaking mga negosyante tuloy ay nakakapaglagay ng kanilang deposit sa bangkong universal kaysa sa thrift banks.

Saan kumikita ang thrift bank ?

Ang thrift bank ay nagpapahiram sa mga (hindi thrifty) erase, erase, erase tao, kumpanya ng pera sa mas mataas na interes. Habang binibigyan lang ng 5 per cent ang deposit, ang mga pautang ay mas mataas ang singil na interes. Siymepre,hindi naman sila charitable institution.

Pag ang Bangko Sentral ay bukas ang rediscounting windows, puwede pa nilang dalhin ang collateral at ipa-rediscount ang mga ito. Ang ibig sabihin ay makakahiram sila ng pera sa mas maliit na interes.

Kapag ang mga pautang nng bangkong ito ay hindi nag- babayad, yon ay sinasabing NPL(Non-performing Loans).

Hindi siguro marunong umawit at sumayaw.

Kahit ito may collateral, kung hindi makabayad ang may utang, ang bangko ay mahihirapan sa pagsunod sa batas ng pagbabangko tungkol sa capital (equity requirement) na kailangang napapanatili at ang cash reserve requirement para sigurado na may maibibigay sila sa mga depositors.

Malaki ang multa ng bangkong mahuhuli na lumalabag sa batas na ito. Kaya ang mga bank examiner ng Bangko Sentral ay tila diyos ang turing pag sila ay naligaw sa isang bangko para tingnan kung meron pa silang reserba. Kuha ninyo?

Ang kaibahan ng NPL ng pribadong bangko ay hindi na mababawi ito lalo kung bangkarote na rin ang nangutang na negosyo. Sa madaling salita, ang perang naipon mula sa maliliit na depositors ay nawala na sa mga kamay ng mga hudas not pay.

Ang NPL ng PNB ay ipinaabsorb sa PDIC para lang mabili ni Lucio Tan ang bangko. Karamihan sa mga NPL na ito ay mga accommodation siguro dahil karamihan sa kanila ay inadequately collaterallized.

Mga kaibigang cronies kasi.

Sabi ng gobyerno--the case of FSB should not alarm people of the gravity of the fiscal crisis.

Tsaring.

The Ca t

7 Comments:

At 9:37 PM, Blogger Sassy Lawyer said...

Kaya hindi ako mapag-patol sa term na "fiscal crisis" eh. Maaari ba namang ihiwalay yung kalagayan ng public finances sa pangkalahatang sitwasyon ng kaperahan sa bansa? Pagandahin man nila, we are in a serious economic crisis.

 
At 9:48 PM, Blogger cathy said...

fiscal pa lang pero talaga huwes na yan.
ay ano ba ang sinasabi ko.

 
At 10:52 PM, Blogger ting-aling said...

Me kulang yata? nasaan ang pusa mo? Ini like din kita ha..este, link pala.

 
At 8:59 AM, Blogger cathy said...

natutulog. zzzzzzz

 
At 11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Nice site!
[url=http://omveofjn.com/qxhh/nffw.html]My homepage[/url] | [url=http://ueztwasi.com/xxvn/hcsc.html]Cool site[/url]

 
At 11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Nice site!
My homepage | Please visit

 
At 11:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Nice site!
http://omveofjn.com/qxhh/nffw.html | http://sqjzgjxn.com/rztm/lwiy.html

 

Post a Comment

<< Home