Buhay Amerika-Anak ng Pating
Dear Mouse,
Dapat sana ay isulat ko ito sa Pinaysaamerika ko pero seryoso ang aking mensahe upang magbigay ng babala sa mga Pinoy na nakatira at titira sa Estet.Mahaba ang kuwento kaya may part 2.
Nakabili ng bahay ang aking kaibigan dalawang buwan na ang nakalipas.Mahigit $ 800,000, ang halaga,three bedrooms at isang in-law. (kuwarto sa garahe). Malaki ang garahe.Kasya ang dalawang kotse. Kulang-kulang na $ 4,000 isang buwan ang bubunuin nila. Kahit na ang upang ibinibigay ng kaniyang ina sa halagang $ 700 isang buwan sa kuwarto sa garahe, malaki pa rin ang babayaran,kaya dalawa-dalawa na ang trabaho nila at ang pangkaraniwang uwi ay ala una ng madaling araw. OO, Birhinya, walang kapakapatid, walang ina-ina.Magbayad ka ng upa, dahil kailangan.
Anak ng pating na bahay yan, binili para tirhan, pero halos hindi naman nila matulugan.
Kung iniisip ninyo na malaki at maganda ang bahay sa halagang $800,000,nagkakamali kayo. Artificial ang demand ngayon sa real estate, isa dahil sa dami ng mga bumibiling mga narses na Filipino at ikalawa mababa ang interest rate.Parang kagaya rin ng boom ng Silicon Valley.
Parang ginto ang halaga ng bahay at ng kotse para sa mga techies na may mga malalaking sweldo at mga stock options. Tuwing tataas ang mga stock market prices, ang mga Silicon Valley tech brats ay bumibili ng mga bagong mamahaling kotse. Inoorder pa nila ng advance.Hindi nila narealize na paper gain lang ang kinita nila sa stocks dahil hanggang hindi ito naibebenta, ito ay pangako lang ng kayamanan ang hawak nila.
Nang bumagsak ang tech boom, naabandona at nailit ang mga bahay. May mga techies na tumira sa camper, yong iba naging homeless at yong iba ay sa kuwarto na lang nakatira.
Pero hindi yan ang kuwento. Mahal din ang bahay dahil sa lugar. Pag may mga itim,mura ang bahay.
Dating lugar ng mga Puti ang lugar na nabilhan nila. Mula nang bilhin ng mga Pinoy ang mga bahay doon sa hindi kapanipaniwalang presyo, nawala na ang mga Puti. Ayaw nilang kapitbahay ang mga Pinoy.Isa dahil mahilig ang Pinoy sa karaoke pag weekend at pagluto ng ihaw-ihaw. Ikalawa, mas maganda ang kotse ng mga Pinoy na Nakaparada sa labas.
Dalawang beses na akong nakarating sa bahay ng aking kaibigan. Una nang balak nilang bilhin.
Ayaw ko.Dahil hindi isinasama ang pangalan niya ng kaniyang mga co-maker/buyer.Sabi ko sa kaniya, ano siya baliw?
Magbabayad siya tapos hindi kasama ang pangalan niya.
May mga ginagawa kasi dito ang mga real estate agents na kahit hindi mo kayang bumili ng bahay ay makakabili ka kahit walang down payment. Kung may isang kakilala, kamag-anak na handang maging co-owner/co-equity dahil sa dagdag sa income para magqualify sa loan puwedeng bumili ng bahay. Kung walang ipang dadown, idagdag ang dapat nilang idown kasama ang mga gastos sa pagbili ng bahay sa principal loan kasama pa ang ibang kaya ang bahay na mahigit kalahating milyon lamang ay umaabot sa mahigit Walong daanglibo.
Ano ang nakukuha ng co-maker-owner kung hindi naman sila titira doon? Pagkatapos ng dalawang taon at tumaas ang halaga ng bahay, tumaas din ang equity nila.Walang puhunan pero may tubo.
Isinama ang pangalan niya. Hindi nakatanggi yong kaniyang asawa.Sabi ko,kung makakalusot lang yan. Inuutakan siya. Walang masyadong pinag-aralan ang kaibigan ko, kaya madaling mapaniwala. Ayaw ko pa rin ang bahay. Maliit lang ang kinikita nilang mag-asawa.
Itutuloy
The Ca t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home