Wednesday, September 29, 2004

Mabisang Birth Control

Dear Mouse,

May salawikaing:

May mabuting mapait namnamin,

May mapait namang di masamang kanin.

Sa aking palagay ay iba ang pagsabihan na ang mga Filipino ay duwag at ang sabihan ang isang Filipino ay duwag. Kapag ang Filipinong ito ay sabihing tinutuya ang buong lipi na duwag dahil sa sarili niyang karuwagan, oras na para ipagwasiwasan ito sa Ilog Pasig hanggang aminin niya na ang karuwagan ay sa kaniya lamang.

Katulad nang pangyayari sa Kalihim ng Pangkalusugan Manuel Dayrit. Ito ang balita.

DOH to file diplomatic protest vs Thai 'condom king' Health Secretary Manuel Dayrit Wednesday said he will file a diplomatic protest against visiting Thai lawmaker Mechai Viravaidya for commenting on his alleged failure to promote family planning. Dayrit said Viravaidya has no right to tell the Philippine government what it needs to do in the campaign against AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) and the overpopulation problem.

The Cat notes:

The comment on alleged failure points to him as the Secretary of Health responsible for the implementation of the family planning.

Totoo naman. Anong masakit doon?

Totoong walang karapatan ang sinumang hinayupak na mambabatas ng ibang bansa para tayo diktahan pero kung ang sinabi ay katotohanan, masama ba ito? Dinusta ba ng Thai official na ito ang bansa nang punahin niya si Dayrit?

Ang population growth ng Thailand ay napakababa at inaamin naman nito na ang AIds ay nanalasa sa mga nasa prostitution industry (Oo Birhinya,isa yan sa mga nakakapalakas ng turismo).

Balat sibuyas karamihan sa atin kaya pati amoy, sibuyas na rin. ehek.

Talaga namang mataas ang growth ng population natin.

Totoo namang pinaglalaruan lang ang condom sa probins.

Kung ayaw nila ang artifical birth control, di bigyan ng edukasyon ang mga kababaihan na kung ayaw nilang manganak, ihulog nila yong kanilang asawa sa bintana tuwing ito ay gustong makitalik.

Ang mahirap sa ating mga opisyales ay hindi umaamin ng kanilang kamalian bagkus dinadaan nila sa tampo, sa people power at sa paghihingi ng public apology.

Ah ewan ko sainyo, dapat sainyo, bigyan ng lollipop.Masahol pa ang mga batang makukulit.

Hmpph.

The Ca t

1 Comments:

At 12:16 PM, Blogger Dr. Emer said...

Ang masama pa, sabi nya HINDI daw nya responsibilidad ang birth control dito sa atin. Eh kung hindi sa kanya, kanino? Ang mga pari nga dapat ding turuan ng birth control, common tao pa kaya? Evading the true issue yung diplomatic protest ek-ek.

 

Post a Comment

<< Home