Buhay Amerika-Anak ng Pating 2
Dear Mouse,
Ikalawang punta ko ay noong Huwebes. Iyon ay para ipakita ang kaniyang bagong mga furniture na kinuha niya sa credit na puwedeng simulang bayaran sa taong 2006 pa.
Oo,Birhinya, puwede mong punuin ng mamahaling gamit ang iyong bahay sa pamamagitan ng plastic na card. Ganyan kung paano ka patayin sa stress ng Credit card dito.
Una kong napansin ay ang pintong paakyat sa bahay. Sinabi kong masama ang kutob ko. Kung puwedeng sarhan niya yon kahit sarado ang garahe. Tumawa siya, sabi niya sa bigat ng mga furniture niya, hindi nanakawin yon.
Biyernes, tumawag siya. Ninakawan sila.
Para sa onli in the United Estet, ang mga basura ay nasa garahe habang Ang mga kotse ay nakaparada sa labas.
Hindi yon ang unang nakaw. Ikalawang araw nang paglipat nila ay nanakaw ang lumang kotseng Toyota ng kaniyang asawa. Winarningan ko siya sa kotseng Toyota. Madaling mabuksan. Toyota ang kotse ko sa Pinas at ang una kong kotse dito sa Estet.
Yan ang paboritong chop chop hindi lang yong inismuggle sa Pinas kung hindi yong mga binibenta sa mga second hand parts ng kotse. Kaya kung kailangan mo ng pinto ng kotse, maari kang bumili ng second hand, at hindi na kailangan ang magparepair ng sirang pinto. Siguruhin lang na parehong kulay ng kotse.
Nabawi ang kotse. Hmmmm medyo malabo ang kuwento niya. Ito ang masama sa nagpapanood ng mga reruns ng Matlock, Murder She Wrote, Perry Mason at Law and Order. Masyado akong mapaghinala.
Hatinggabi nawala sa harap nila ang kotse. Alasiyete, inireport ng kaibigan ko. Sabi ng pulis, may nakita silang kotseng nakaparada sa apartment complex na ganoon ang plate number.Ang tanong bakit nila kinuha ang plate number ng isang kotseng nakaparada sa Apartment complex? Alam ba nilang nakaw ito? Ano sila si Madam Auring ?
To cut the story short, nabawi ang kotse na may mga gamit ng babae.
Pagkatapos ng ilang araw, sabi ng pulis, babae raw ang nagnakaw. Tinanong ko kung hinarap nila ang nagnakaw kung nahuli.Hindi na raw. Labo noh. Tinanong ko kung nawawala ang asawa niya pag hatinggabi? Huwag makipaglaro ang isip ninyo sa akin.Hmppph.
Ikalawang pagnanakaw. Yong kotseng ulit na iyon. Pero hindi dinala. Kinuha lang ang stereo, cd at ang mga tools at ang remote control ng garahe.Yon ang sinasabi ko. Kung nanakawin ang kotse, itutuloy na ito sa chop- chop buyer o kaya ay gagamitin as get-away car at iaabandona sa daan. Hindi nakaparada sa isang apartment complex.
Nabuksan ang garahe ng kalahati. Alas dose, dumating ang aking kaibigan galing sa trabaho. maaring napasok sila kung hindi siya dumating.Sabi ko, siguro pag gabi ay maraming mga magnanakaw na nakaabang doon. Hindi man sila mapasok, maari rin silang maholdap habang bumababa sila sa kotse.
Leksiyon: Bago bumaba sa kotse, luminga-linga muna.
Bago umakyat ng bahay, check-in ang garahe, baka may nakatagong magnanakaw.
Kung maari, huwag iwan ang remote control ng garahe sa kotse na madaling buksan.
Panghuli, check-in ang asawa pag hatinggabi kung nawawala.
Baka bumili ng midnight snack at naiwan ang kotseng nakabukas.
Ano ba ang iniisip ninyo?
The Ca t
1 Comments:
Ehemmm..may mga katotohan yang sinabi mo at di kita masisising mag-isip ng mga ganyan. Maraming nakakalimot na ang bahay ay tirahan, hindi paupahan. Me isa kaming kaibigan na bumili ng pagkamahal-mahal na bahay..nag dabel job siya pero namatay kaagad dahil pagod na siya at di na niya natikman kung anong pakiramdam ng tumira sa kanyang malaking bahay in a "restful state".
Post a Comment
<< Home