Sunday, September 26, 2004

Buhay Amerika-Doktor na Nars -Babala

Dear Mouse,

May kasabihang:Ano man ang gagawin, makapitong isipin.

Nguni't kung ang buhay ng tao ang nakataya, mag-iisip pa kaya ang isang magaling na doktor nanakasuot ng uniporme ng nars ?

3 nurses deported from US

Three nurses were recently deported from the United States for being themselves — doctors. Iloilo Rep. Janet Garin said the nurses were behaving like doctors, which they used to be before taking up nursing.

“Filipinos are inherently intelligent. They were not being forward; they really are good. It’s just that under pressure and in emergencies, they give away their true nature — they’re doctors first before they are nurses. Once a doctor, always a doctor,” Garin said. She withheld their names.

One of the Filipino nurses was assigned to the graveyard shift when a patient was rushed to the emergency room after suffering a heart attack.

“There was no doctor around so the Filipino nurse, who was a very good doctor in Manila, moved quickly, trying to resuscitate the patient. He started giving instructions to his fellow nurses and told them what to do,” Garin recounted. The patient survived, but instead of being commended for his skill, the ex-doctor was accused of usurping the powers of the hospital’s resident doctors. “He was told never to do the job of a doctor again because he was hired there as a nurse, not as a doctor,” Garin said.

The Ca t sez:

May isa pang kasabihan na ang pag-papaalala ay mabuti sa taong nakakalimot.

1. Sa Estet,iba ang kultura. Bago ang puwet ng iba,puwet muna nila ang kanilang poprotektahan. Marahil natatakot ang ospital na ulitin ng nars-doktor ang pagliligtas ng buhay ng tao at siya ay mabigo. Takot ang ospital na mademanda ng malpractice. Karamihan sa mga doctor nila ay may insurance.

2. Ang Puti kailanman ay hindi papayag mamayagpag ang Kayumanggi lalo na kung sila ay nasapawan. Wala silang pakialam kung yon ay sa ikabubuti ng mga nilalang o kaya ng kumpanya.

3.Pag nagtatrabaho sa Estet,sundin kung ano ang nakasaad sa job description. Wala silang pakialam kung ikaw ay nagta- trabaho ng labis-labis.

Ang Pusa ay nahirati rin sa Pilipinas na maglutas ng problema kung kinakailangan. Sa kaniyang mga trabaho na kasama ang mga Puti, nakakalimot din siya na hindi niya kailangang gawin yon dahil sa hindi sakop ng kaniyang trabaho. Sa halip na tingnan ito sa pananaw na isa kang empleyado na maaasahan, ito ay magiging babala sa kanila na isa kang panganib para sa kanilang pananatili sa kumpanya.

Pahabol

Huli na nang makita ko na ang balita ay nanggaling kay Garin ang kongresistang nagsusulong ng batas upang panatilihin ang nars at doktor sa Pilipinas ng tatlong taon bago payagang maghanap ng trabaho sa labas ng ibang bansa.

Hindi ko sinasabing gawa-gawa ni Garin ang balitang ito, pero tila yata wala akong nabalitaang ganitong kaso sa Estet.

Ang ganitong mga kaso ay hindi maaaring makaligtas sa balita sa mga pahayagan dito sa Estet.

Kung gawa-gawa niya ang balita upang maisulong niya ang batas, ito ang dapat niyang malaman:

1. Hindi basta-basta nakakaalis ng mga nars o doctor sa bansa dahil pagkatapos nilang grumaduate, sila ay nagboboard pa kaya mahigit na anim na buwan ding itong kanilang bubunuin. Para makapunta sa US,sila ay kailangang magtake ng CGFNS na karaniwan ang paghihintay mula sa aplikasyon at sa pageksam ay mahigit na isang taon.

2.Ang pagproceso ng papel nila para makalipad ay mahigit na isang taon o dalawang taon.

3.May batas na noon tungkol sa pagpigil sa mga narses na lumabas ng bansa ngunit sa pagdami marahil ng mga narses sa bansa na walang trabaho atkung magktrabaho man ay di nursing,ito ay pinawalang bisa.

4. Ang pagbutihin nila ay ang patuloy na pagbigay ng magandang edukasyon sa mga narses at ang mga bagong gagraduate sa tulong ng mga balikbayan na mga narses.

5. Alamin ang stats tungkol sa bilang ng mga narses na umaalis at mga gumagraduate.

6. Dapat alamin ni Garin kung ano ang ibig sabihin ng law of demand and supply. Baka gusto niyang iparepeal.

The Ca t

1 Comments:

At 2:05 PM, Blogger Dr. Emer said...

This is a sad development indeed. Walang kwenta mga puting walang pakiramdam! Puro bad news tayo, lately. Sana magbago in the coming days...

 

Post a Comment

<< Home