Thursday, September 30, 2004

Si Pusa

Dear Mouse,

Naniniwala ako na kahit magkapatid ay nagkakaiba ng pag-iisip.

Ang paniniwala ko ay ang buhay ay parang sandwich.Dapat may gulay, may karne, may mayo o ketchup.

Yan ang estilo ng aking pagsusulat. May recycled jokes,may mga seryosong ginagawa kong katatawanan na ang paniniwala ko ay may mensahe akong naibibigay kung ang nagbabasa ay nauunawaan ang paksa. Wala akong balak isalba ang Pilipinas. Hindi ako si Kristala o kaya si Darna. Ibibigay ko lang ang mga kuwentong nauunawaan ka na makabubuti o makakasama sa bansa. Ang mga artista ay kasama sa usapan dahil malaki ang nagagawa nila sa pag-iisip ng mga Pilipino. Kung gustong yumaman, kailangang mag-artista o kaya maging pulitiko o kaya sabay.

Pero sa mga feedback ko,( hindi lang sa comment) mga respetable naman ang mga nagbabasa.

Pinauubaya ko sa mga kolumnista at mga seryosong manunulat ang mga usaping ibig nilang talakayin sa kanilang pamamaraan.

Ang aking market positioning,geographicwise ay palengke instead of mall.Opo,palengkera ini.

Ang mga pabirong comment dito ay sa mga kakilala na nakakaalam na nang aming paninindigan, magkaiba man o magkatulad.

Mahigit namang lima ang nagbabasa ng blog na ito dahil sa counter ko ay libo libo na hindi kasama ang mga spammer. Ibig sabihin, may gustong tumawa.

Hindi ako puwedeng magseryoso, baka ako ma ICU.

Naiintindihan ko rin ang sinusulat kong pasaring.

Dahil totoo yong mga yon.

Saiyo Anonymous,salamat po.

The Ca t

3 Comments:

At 2:43 AM, Anonymous Anonymous said...

hehe, may nakaka-away ka yata? meron bang nangingialam sa iyong ginagawa o may gusto rin magtuwid sa gusto mong isulat? hayaan mo na lang sya. doon sya masaya eh.
-a8

 
At 5:40 PM, Blogger cathy said...

mga naliligaw lang albert.

 
At 8:47 PM, Blogger rolly said...

Hmm, I'm wondering what brought this post about. I just hope I am one of those respectable commenters you're talking about. hehe

 

Post a Comment

<< Home