Thursday, October 07, 2004

Sino Ka Ba ?

Dear Mouse

Biruan na namin ng aking kaibigan ang magtanong ng SINO KA BA, ANO ANG PANGALAN MO?

Dedmahan kuno pag hindi tinupad ang isang pangako o kaya matagal na walang tawagan.

Isa sa mga Senador na si Rodolfo T. Biazon ang aking hinahangaan dahil hindi ito kagaya ng ibang nagbubutas ng bangko sa Senado. Noong isang araw nakita ko sa balita kung paano niya sininghalan ang isang security dahil hindi makaraan ang kaniyang sasakyan.

Ito ang bunghalit niya:

Sino ka ba? Ano ba ang pangalan mo? Sana dinagdagan niya pa ng Kilala mo ba ako?

Tamimi yong sinabihan.

Kung si Pusa ang nasabihan niya ito ang isasagot ko:

Ako si Juan dela Cruz, ang pinagsisilbihan mo. Ang sinasakyan mong luxury car ay binayaran ko. Ang daan ay hindi saiyo kaya wala kang karapatang magmura sa mga nagluklok sainyo pag may demostrasyon.

Yan ba ang natutuhan mo sa militaryo ang mawala ang composure?

Sa totoo lang Senador, harassment ang ginawa ninyo.

Huwag mong sabihing tao ka lang at may karapatang magalit. Hindi Senador, may sakit ka lang. Sakit ng mga taong nagmamakaawang maluklok at magyurak ng taong nagluklok sa kanila.

Ngayon kilala mo na kung sino ang sinisigawan mo?

The Ca t

1 Comments:

At 1:45 PM, Blogger Dr. Emer said...

I bet he has a lot more to say to the poor fellow managing the blockade but seeing the TV cam made him think twice. =)

 

Post a Comment

<< Home