Sa Letrang B
Dear Mouse,
B-ikalawang letra sa alpabeto.
1. Balita=Ang salitang Balita ay nagsisimula sa letrang B. Ito ay nangangahulugan ng ulat ng isang nangyari o pangyayari.
Halimbawa:
Kasalukuyang may nagaganap na rally dito sa ...bilang protesta sa pagtaas ng presyo ng bilihin.Iyan ang balita.
Halibawa:
Punong punong na ang mga Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo at di magtatagal ay marami ang magugutom blah blah(practically an expression of opinion or a prediction)
Yan ang pagbabalita ni Doris Bigornia. Hindi ko na siya nakitang magbalita.
2. Bakit-katagang ginagamot sa pagtatanong.
Dapat may intonation o kaya may kasamang galaw ng kilay.
Halimbawa:
1. Inaprubahan ang isang bilyong tax refund ni Lucio Tan.
Bakit ?igkas ng kilay pataas.
2. Lahat ng GOCCs ay nalulugi ng billion billion ?
Bakit ? Lahat ba ng mga humawak niyan ay mga stupido?
3. Ang CEO ng SSS na si C. Dela Paz ay kinikilalang magaling sa finance at management. Bakit hinayaan niyang hindi makapagbayad ang mga miembro. tapos irereport lang niya ang problema. Dapat as CEO o Presidente,ang irereport niya ay ano ang problema at ano ang nagawa niya pagsolve ng problema.
Siya pa yata ang nagsuggest na itaas ang membership fees.
Yan ba ang kalakarang ng mga managers ngayon. Ang ipasa sa mga tao ang kanilang "mismanagement"?
Bakit ?
The Ca t
3 Comments:
Talagang ganyan sila, Cath. Malaking palaisipan hanggang ngayon.
Isa pang hit na kinaiinisan dito ngayon ay yung tungkol ke Maj. Gen. Carlos Garcia who allegedly has a $2million deposit in US banks.
Akala ko mahirap ang Pinoy. Hindi pala. Ipokritong magnanakaw madami dito.
Bakit nga ba ganyan ang mga balasubas na yan. Sarap bambuhin ang mga bumbunan nila, bwisit
hehe! asar din ako dyan sa style ni doris, sa pagbabalita at mga malalaking hikaw na hindi naman bagay sa kanya. inililipat ko nga kagad yung tv pag nakikita ko sya eh. :)
Post a Comment
<< Home