Friday, October 08, 2004

Kainis at KARAOKE

Dear Mouse,

K=Ikatlong Letra sa Alpabeto.

KAINIS-salitang ginagamit upang ipahayag ang reaksiyon sa isang bagay na nakapagpataas ng blood pressure, nakapagpa- pakulot ng buhok na unat,nakapag-unat ng kulot ng buhok o nakapagpasalabid ng kilay,ahit man o hindi, tatoo man a lapis.

Halimbawa:

Newsreporter: Payag ba kayong itaas ang presyo...blahblahblah?

O sabay,sabay KAINIS. Holycow na nagkaingkaw-ingkaw, eh sino ba namang karaniwang tao ang mag-aapruba ng taas ng presyo na lalo silang mahihirapan. SINO? SINO?

KARAOKE=hindiTagalog na salita pero ito ay isang popular na instumentong napagagaling ang pagkanta ng taong kahit boses palaka. Sa Estet, ang pronunciation dito ay KARAYOKE.

Sikat na sikat na ang karaoke kaya para itong KODAK na sa halip sabihing kunan mo ang retrato natin ay Kodakan mo kami. Ngayon sa halip na na Kumanta tayo, ay sinasabi nang KARAOKE tayo.

Bakit ko nabanggit ang Karaoke sa halip na ibang salitang nagsisimula sa K.

Ito kasi ang di ko maintindihan sa ating mga kalalakihan.(Ayan K din yan).

Unang kaso: Isang segmento sa Pipol ang nagtampok ng isang meyor sa isang bayan sa Quezon ang isang kalseng diktador ang pamamahala. Pag may nahuling magnanakaw ay kaniyang ipinaparada sa bayan o kaya ay kinukulong niya sa pantyon ng magdamag. Walang baklang makapaglakad nang pakindeng-kindeng sa kalsada ang mga nakikita niyang nag-aaway ay binibigyan niya ng glabs at pinagboboksing.

Walang nagrereklamong mamamayan, dahil wala raw krimen sa kanila.

Pagkatapos nang maghapong trabaho, si Meyor ay nag bubunghalit sa isang KARAOKE Restraurant. Kumakanta ng MY WAY.

Ikalawang Kaso

Si Bayani Fernando ay binansagan ding isang maliit na diktador dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng batas.

Sa gabi,kumustahin mo kung ano ang kanyang paboritong palipasan ng pagod. KARAOKE.

Ikatlong kaso

Sa blog ngayon ni Doc Emer na tungkol sa gutom ay nabanggit niya ang isang taong inaresto dahil sa pag-akyat nito sa puno at ang pagtannging bumaba. Nasundan ko ito sa TV at nakita kong pinakain nila ang mama. Sabi nga ay hindi ito baliw at nalipasan lang ng gutom. Palagay ko nga dahil nakita ko na lang na hawak na niya ang mikropono at siya ay nagkakarayuke na.

Binalak ko ring maging outlet ko ng aking pagod at stress ang karaoke sa aking bahay noon sa Pinas. Pero ilang Linggo pa lang na ginagawa ko ay nakatanggap na ako ng memo sa Homeowners. Ang mga aso raw ng aking kapitbahay ay umaalulong din at ang kanilang mga househelps ay magiistrike dahil wala silang tulog. Mga inggitera. (Hmppp)

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home