Friday, October 01, 2004

Sa Letrang A

Dear Mouse,

Mayroon akong diksiyunaryong isinusulat. Nagsisimula ako sa A.

Amnestiya=pagpatawad sa isang malaking grupo ng pamahalaan.

Ito ang pinakaabusong kapangyarihan ng gobyerno.Dahil lamang sa mga malalakas sa kapangyarihan na nagsisilbing mga ninong ng mga may atraso sa gobyerno ay nakukuha ng mga nagkakasalang grupo na makuha ang kapatawaran.

Para naman sa mga indibidwal na nagkasala, kagaya ni Lucio Tan, kailangan ang isang batas upang siya at mapatawad sa kaniyang mga pagkakautang.

Mayroong batas nang naaprubahan sa House of Representatives kung saan ang nagkasala ay magbabayad lang nang 3per cent base sa equity nila. Sino kaya ang nagpasimuno nito?

Aba=salitang nagpapahayag ng pagkabigla

Aba,sumosobra na sila.

Aha=salitang nagpapahayag ng pagkakatuklas ng isang katotohanan kasinungalingan.

AHA, marami talagang nabibili ng salapi. Magkano kaya ang mga regalo sa mga kongresista para iisponsor ang batas na iyon.

Anak ng Pating=salitang pagpapahayag ng pagkainis

Anak kayo ng pating.Bayan na naman ang nawalan niyan.

Ahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

The Ca t

2 Comments:

At 7:27 PM, Blogger rolly said...

Can't wait till you get to the letter P. Tamang tama sa theme. I assume b is next. B for bwisit!

 
At 9:53 AM, Blogger cathy said...

naku malayo pa.

 

Post a Comment

<< Home