Sunday, November 14, 2004

Pagkaing Ukay-ukay

Dear Mouse,

Noong maliliit pa kami, iminulat na sa amin ng aming mader na ubusin ang pagkain sa pinggan.

Pag kami ay kumakain sa labas, sinasabihan niya kami na hindi na muling lalabas pag hindi namin inubos ang pagkaing inorder.

May mali kasing ugali ang pinoy na hindi pag-ubos ng pagkain sa restaurant sa hiyang masabing matakaw o kaya ay dayukdok sa pagkain.

Magpabalot man ng tira ay sasabihing para sa aso kahit ang aso ay matagal na ring naging asucena.

Habang ako ay nakikitsika-tsika sa aking mga kaibs sa telepono, nanonood ako ng Kontrobersiyal.( Oo na, oo na, binitiwan ko ang binabasa kong aklat na Angels and Demons para panoorin si Boy Abunda sa kaniyang programang nagtatalakay sa Kasaganaan ng mayayaman at gutom ng mahihirap.

Ngayon ay iniisip ko kung tama pa rin ang ugaling ipinamulat sa amin ng aking mader dahil sa bawa’t tirang pagkain sa fastfood o restaurant, maraming mahihirap pala ang nakikinabang.

Ang mga tirang itinatapon sa basurahan ay kinukuha ng isang kooperatiba Ng mga mahihirap at ipinagbibili sa halagang 20 pesos isang supot na plastic.

Ang isang matandang babaeng ginawang negosyo ang mga tirang ito sa pamamagitan nang paghugas at paglutong muli ay kumikita ng 150 pesos isang araw.

Ang mga ibang tira-tira na inilagay nang tuluyan sa basurahan ay pinagkakaguluhan naman ng mga tao na tila ukay-ukay.

Habang ang mga mahihirap ay nagtatawid ng gutom sa pamamagitan ng pagkain sa basura, may mga mayayaman naman tayong nagpapasasa sa pagkaing mamahalin, masarap at hindi abot kahit ng hindi naman kahirapan na Pilipino.

Nakita ko ang buffet type na pagkain sa bahay ni Cherry Cobarrubias. Araw-araw lang yan.

Nakita ko ang collection ng imported na tsokolate ni Doctor Vicky Belo. Ang tsokolateng Swiss na may alak sa loob. Ang mga tsokolateng binili sa Costco. Naalala ko tuloy ang mga naninigas na tsokolate sa aking refrigerator.

Binili ko yon dahil sa mga batang inaasahan kong magtitrick or treat ngunit hindi dumating at para sa isang kaibigang Puti na walang kinakain sa bahay kung hindi tsokolate.

Lalo akong nadepress.

Naalala ko ang mga AFP Generals at ang mga corrupt na mga opisyales ng gobyerno.May kunsensiya pa kaya sila. O inaanay na?

The Ca t

4 Comments:

At 4:14 PM, Blogger batjay said...

ang sabi naman ng mommy ko nung minsang kumain kami sa isang restaurant, huwag daw naming paghintayin ang waiter at umorder na raw kami ng pagkain. ang sabi ko naman ay ok lang yun mommy - kaya nga waiter ang tawag sa kanila, they should wait.

pero tama ka ate Ca T - inaamag na ang konsensya ng mga general na yon.

 
At 6:50 PM, Anonymous Anonymous said...

Matagal na ang ganyan sa mahihirap at ang tawag nila ay batchoy. May kilala akong kumakain nang ganyan. Tinalakay ulit ang isyu na iyan sapagkat napapanahon dahil na rin sa lalo pang lumalaking agwat ng mayayaman at mahihirap.

- a8

 
At 8:05 PM, Anonymous Anonymous said...

Alam mo Cathy, talagang ibang henerasyon ang kinamulatan ko yata. Nung ako ay bata pa, ang tamang asal sa isang handaan ay wag sisimutin ang pagkain dahil magmumukha ka raw parang timawa, walang makain sa bahay. At least yun ang sabi ng nanay ko noon. Pero, siyempre, humirap ang buhay, talagang dapat ubusin mo nilagay mo sa plato mo.

meron din akong narinig na ang isang dahilan kung bakit tumataba ng husto ang isang tao, ay dahil noong bata pa siya, parati siyang pinipilit kumain, at kailangan, ubos!

Sa lahat ng ito, isang bagay lang ang sigurado ako. Wala ng konsiyensiya ang mga taong nananagana ng hindi sa tamang paraan.

 
At 7:58 AM, Blogger cathy said...

sana nga mabulunan yong mga pagkaing binili galing sa
kinurakot.

 

Post a Comment

<< Home