Nakakita na ba kayo ng aswang ?
Dear Mouse,
Huwag isipin na nagsusulat ako ng tungkol sa mga nilikhang nasa kadiliman upang papaniwalain kayo sa kanila.
Ito ay bahagi ng kultura ng Pilipino at ibig kong isulat bago sila malibing sa limot.
Ano ang aswang ? Huwag ipagkamali ito sa manananggal na lumilipad ng hati ang katawan.
Ang aswang ay maaaring mag-iba—ibang anyo, katulad ng baboy, aso, o kaya ibong itim.
Karaniwan itong lumalabas pag bilog ang buwan kung saan malakas ang kanilang kapangyarihang ipinamana mula sa kanilang kanununuan.
Mahilig ito sa mga nagdadalangtao o kaya sa mga taong maysakit.Ang paniniwala ng marami, nagsisimula silang gumala pagkatapos ng ikaanim ng gabi kung kailan may kadiliman na. Kagaya ni Dracula, sila ay takot sa liwanag.
Ito ay humuhuni kapag may naamoy silang biktima.
Karaniwan sa mga aswang ay nakatira sa liblib na pook o kaya malayo sa mga maraming tao. Marami kasing pangontra sa kanila na maari nilang ikamatay, katulad ng bawang.
Karaniwan, bungkos ng bawang ang isinasabit sa mga bintana at pintuan para di makapasok ang aswang sa bahay.
Katulad din ng mga kuwento sa bayan ng Inglatera kung saan ang paniniwala rin ay mabisang pangontra ang bawang sa mga Bampiro. Bakit kaya?
Kuwento ng aking mader na sa aming probins daw ay may paraan upang malaman kung ang isang tao ay aswang.
Pag sila ay dumalaw na karaniwang tao, maaring gawin ang mga sumusunod:
1.Itayo ng pabaliktad ang walis tinting sa may pintuan. Hindi raw ito makakalabas.
2.Magbudbod ng mongo kung saan ay mapapaligiran ang hinihinalang aswang. Hindi rin daw ito makakaalis hanggang hindi pupulutin ang mga butil ng monggo.
Subalit ang pampatay dito ay kahoy o kawayan na tinulisan at itinutusok sa dibdib .
Madalang na ang mga balitang nakakita pa sila ng aswang.Marahil, sabi ng aking mader ay dahil takot ang mga aswang sa bala ng baril kaya marami sa kanila ang napuksa noong panahon ng Hapon. Isa pang dahilan ay ang pagkakaroon ng eletripikasyon kahit sa liblib na baryo. Marami na rin daw tumangging akuin ang pagpapatuloy ng pagiging aswang sa mga pami-pamilya.
Ayon sa aking mader, may kuwento raw ang lola niya na noong kapanahunan bago magkagiyera at mga Amerikano ang nagpapatakbo ng ospital, may nahuli raw isang aswang na tinangkang biktimahin ang pasyenteng nagpapahangin sa baloknahe ng ospital. Ikinulong ito sa bilibid.Tuwing sisindihan daw ang palito ng posporo, ito ay humuhuni. Kinagabihan, nakita nilang wala na ito sa selda. Ang alam lang ng guwardiya ay may nakita silang itim na ibon na lumipad palabas.
Ako nakakita rin ng aswang. Hindi lang isa. Marami sila.Marami silang pinatay dahil palso na ang mga gamit na binibili nila para sa ospital.
Marami silang pinatay dahil ang mga baril na binili ay mababa ang kalidad.
Marami silang pinatay dahil marami ang nagbubunyag ng kanilang kasamaan.
Nahuhulaan ba ninyo ang mga aswang na ito ?
Walang pangontra sa kanila.
The Ca t
3 Comments:
Sabi nila itong mga aswang na ito ay nababanguhan sa amoy ng bagong panganak na bata o kaya naman sa tiyan ng mga buntis. Meron doon sa banda sa amin at muntik manganak ng di oras ang aking asawa buti na lang at marunong din si ermats.
Isa pang pangontra sa aswang ay ang asin, magsabog daw nito kapag meron aswang.
- albert8
Maraming di naniniwala sa aswang.ako din hanggang sa mangyari sa'kin to.Isang gabing kasama ko ang aking hipag at pamangking isang taong gulang natutulog na.Sa gitna ng kasarapan ng aming kuwentuhan, binasag ito ng isang sitsit mula sa katabi kong bintana sa aking ulunan ng kama nang bigla kaming magkatinginan ng aking hipag. Ito'y isang sitsit mula sa bintana na parang galing sa isang bungal dahil dinig na dinig namin ang pagkasungaw ng kanyang sitsit na talagang maririnig mo lang sa tapat mismo ng bintana. Natakot kami ng aking hipag pero di nagpahalata. Napansin ko ang pamangkin kong parang hindi normal sa kanyang tulog dahil me nagbago sa kanyang kulay, mangasul-ngasul ang kanyang balat at madalang ang kanyang paghinga. Parang walang nasisinghot na hangin. Ginising namin siya pero wala siyang malay. Niyugyog namin ang kanyang buong katawan. Mas natakot ako ng mpansin kong nagkukulay lila ang kanyang gilid ng mga mata. Sinubukan pa rin naming siyang gisingin sa paraang alam namin na dapat ay nagising na siya. Tumawag kami ng saklolo sa aking ina at amang natutulog na nuon. Kumatok ako sa kanilang silid kahit na ang buong bintanang nasa labas ng aking silid ay ang lugar kung saan may 'KUNG ANO MAN YON'.Bukas ito nang dinaanan ko ngunit di tinitingnan, nanginginig ako sa takot sa isiping baka umatake sa akin. Tuloy ako sa pagkatok sa silid ng aking mga magulang. Di ko alam ang aking gagawin. Nanginginig akong kumatok nang ako'y kanilang pagbuksan. Sinabi ko ang nangyari at mabilis pinuntahan ang aking pamangking di pa rin nagigising. Habang kanilang dinadasalan ang aking pamangkin agad naman akong pumunta sa aming altar at kinuha ko ang holy water na naroon. Bumalik akong muli sa aking silid para bigyan ng leksyon ang kung sino mang halimaw ang naroon Ü Kahit ako'y nanginginig sa takot, hilakbot na nga siguro, walang anu-anong binuksan ko ang bintana ko para silipin KUNG ANO MAN YUN, inilabas ko ang aking kamay at isinaboy ang holy water. Nanindig ang aming mga balahibo sa ming narinig dahil may kung anu mang bagay ang nagsisisigaw sa labas sa impit at di taong boses. Pinanghalong alulong ng aso at panaghoy ng isang tao. Nagkaron na ng malay ang aking pamangking alam kong sya ang pakay ng KUNG ANO MAN YON. Yan ang isang GABIng di namin makakalimutan...!
ako hindi ako naniniwala sa aswangpagkatapos ng karanasang eto ay naniwala n aq. kauuwi ko lang sa pilipinas nun galing akong hongkong dahil binista ko ang boyfriend ko nung nasa hk pa lang ako delayed n ako hanggang sa umuwi nga ako ng pilipinas at 2 months n akong wlang menstruation..pero nraramdaman ko na na buntis ako. nagstay muna ako sa manila ng ilang araw sa dating bahay nmin sa pandacan na parang squatters area at pagiisipan mo na wala ng aswang sa lugar n yun. unang gabi ko mga hating gabi dahil hindi ako makatulog may narinig na ako n ingay ung parang tunog ng takip ng gatorade malakas tpos hihina hindi ko iyon pinansin at nkatulog na ako , noong panglawang araw na kasma ko sa bahay ang ate ko at dalawa kong pamngkin mga hating gabi uli narinig ko ulit yun at ginising ko ang ate ko at tinanong ko kung ano un tapos niloko nya ako na aswang. pinatay n namin ang ilaw at naririnig p namin ung tunog n yuo at si ate nakakita sya ng anino n sumisilip s bintana agd nyang binuksan ang ilaw naniwala sya ng aswang nga sabi ko naman sino ang inaaswang at sino ang buntis bka ikw ate?" e iniisip ko na baka ako na nga iyon sumigaw si ate " umalis k dito aswang k kala mo natatakot kmi sayo" hanggang sa lumalakas n ang tunog at nagising n ang dalawa kong pamangkin sinubukan ulu namin pinatay ang ilaw ako ang nasa dulo malapit sa electric fan at wla n akong kasunod n katabi ng biglang my kumakaluskos sa tabi ng electric fan at gsto akong sunggaban binuksan uli ung ilaw at parang makikita mo p n biglang nglaho iyong anino. mula nun hindi n namin pinatya ang ilaw ang ate ko ay hindi n natulog at ko naman ay hinaintay ko n n mgaumaga.ako nga talga ung buntis kasi after nun ng pergtest ako at positive nga..hindi lang sa liblib n lugar ngtatago ang aswang kahit sa mala squatter din kc sa pandcan may aswang talga mula ding un ay binigyan ako ng pangontra at sa nkakalungkot n pangyayari nang bumalik ako s hk nalaglag ang bata
Post a Comment
<< Home