Ang labo ninyo talaga
Dear Mouse,
Ang labo talaga ninyo mga tsong.
Para masabing may pagbabago, kailangan sabihin kung ano ang nangyari.
Halimbawa, nang sinabing may fiscal crisis tayo, nasaan ba tayo sa baytang ng hagdan.
Nang sinabing wala na tayo sa crisis, naka-akyat na ba tayo sa mas mataas na baytang.?
Ang alam ko sinabi lang na dahil sa sin taxes na AAPRUBAHAN pa lang, tayo ay mawawala na sa crisis.
Sunod na sagot ay ang pagpahinto ng pagtatanong tungkol sa fiscal crisis dahil tapos na raw. Kailan, saan, paano, gaano?
Hindi lang sila manghuhula, kumedyante pa.
BOG.
***********************Ang labo talaga!!!!
Sa balita:
Contrary to initial plans, the national government now plans to source up to half of its total borrowing needs for next year from international creditors as US dollar inflows into the country are expected to slow next year, it was learned Friday.
Bakit magiislow-down ang dollar inflows sa bansa sa susunod na taon?
1.Dahil ba sa bawas na mga remittances ng mga OFW-kung ito ang dahilan ay bakit?
2.Dahil ba sa bawas ang ang exports ng bansa at bawas ang matatanggap ang kikitain?
3.Dahil ba tataas ang imports ng bansa at maraming dolyar ang ibabayad?
4.Dahil ba mababawasan ang mga tulong ng ibang bansa na isa sa mga pinanggalingan ng dolyar?
5.Dahil ba palaki na palaking bayad sa interes sa pagkakautang?
Hindi kaya dahil wala na tayong reserbang dolyar?
1.Sanhi ng pagtakas ng dolyar ng mga corrupt na mga opisyal ng gobyerno at militar?
2.Ito kaya ay isang sinyales na wala ng pera sa banking system na puwedeng utangin ng gobyerno. Iba ang newsblack out dahil ibig pangalagaan ang kaligtasan ng isang tao at iba ang black out news para ikubli ang katotohanang dapat mabatid ng publiko.
Bog.
The Ca t
1 Comments:
hehehehe. ganyan yata talaga tayong Pnoy. mahilig pumili ng pinunong sa halip na dapat maging huwaran eh, yung mahusay na makakapagpauto, este, magpatawa [habang nanguuto].
Post a Comment
<< Home