Thursday, February 17, 2005

I am the wife--2 - The Truth

Dear mouse,

As requested, I called up the mother who is working in the housekeeping section of a convalescent hospital. The daughter provided her with a cell phone for easy reach.

Me: Musta po? Saan po kayo ngayon ?

Phone: Ito nasa trabaho.

Me: 'No pong ginagawa ninyo ?

Phone: Ito di nagtatrabaho.

Oo nga naman. Stupip question. Haay hirap talagang kumuha ng tiyempo.

Phone: Siyanga pala, natawag ka, bakit.

Ayan, binuksan na niya ang pinto. Hindi na kailangang magdoorbell.

Me: Napakiusapan po ako ng anak ninyo na ako kumausap sainyo dahil hindi niya alam kung paano ang sasabihin.

Phone: Tungkol na naman siguro ito sa aking honey. Na hindi niya matanggap ?

Me: Hindi po sa hindi niya matanggap.

Phone: Alin, yong tungkol sa peramg kinuha ng honey ko? tapos na iyon.

Me: Hindi po.

Phone: Alin yong hindi pag-uwi ng honey ko nang magdamag dahil sa nasa casino siya ? Alam ko na iyon. Hindi na raw siya uulit.

Hanep na honey yan. Sarap bugbugin. pero ano nga ba pakialam ko?

Phone: Siyanga pala, bakit ikaw ang pinatawag niya. Pakialamera ka rin ano.

Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay. @#$%^&&*& na. (Cover your ears, kids).

Me: (Cool ka lang Cath, ikaw ay may pinag-aralan, ikaw ang magpsensiya in short, pakialamera ka, magtiis ka.)

Hindi po, kasi ayaw niya po kayong nalalapastangan pag nagkakaroon kayo ng sagutan.

Phone: O ano namang paninira yan.

Me: Nag-overseas call po yong asawa ni honey ninyo at kailangan daw ng pera.

Phone: Anong asawa? Ako ang asawa?

Hello, ang asawa ay yong kasal,ang kabit ay yong nakakapit lang sa pundilyo.

(hindi ito ang sinabi ko.)

Me: Yon daw ho palang sinasabi niyang ampon ay asawa pala niya na penitition niya at inayos ang papeles sa tulong ng inyong pera.

HIndi kasama yong huli.

Phone: Ano,sinisiraan naman ninyo ang honey ko.

Sabi nga nila, love is blind. itong tumama sa nanay ng kaibigan ko...bingi na sulimpat pa. Kainis/

Me: Sinasabi ko lang ho ang balita. Ito ang numero niya sa Pinas. Puwede ninyong tawagan.

Phone: Kakausapin ko muna ang honey ko. Lagot kayo sa kaniya pag ito ay sira sira lang ninyo.

Masama ba ang sumapok sa matandang na-iinlove ?

Ay ewan, makakain na nga.

Abangan ang confrontation. Hindi ako pakialamera. Tsismosa lang ho. Sana kayo rin. Mwahahaha.

Paalala: Hindi po panglalait ito sa mga naiinlove.Ibig ko lang pong isulat ang mga katotohanan sa buhay na sa ating mga may sapat na pang-unawa ay nagiging palaisipan kung bakit may mga taong mga martir sa pag-ibig.

Hindi ba sila pinapatay sa Luneta ?

The Ca t

2 Comments:

At 11:11 PM, Blogger Kiwipinay said...

indeed, love is blind. and yes, oftentimes deaf, too. ehehhehe...

na-inlababo yata ng husto si lola. oh well... maybe after laying down the cards to her, let her find it out herself. at least, di na kayo nagkulang ng paalala sa kanya. pero sana lang, di naman malimas ng papa nya ang pera nya bago nya matuklasan ang katotohanan.

pero hindi ba alam ng tunay na asawa na may kinakasamang iba asawa nya? gulo yata. haaayyy!!! buti na lang, wala akong ganyang problema. nyahahahahahaha!!!!

 
At 1:33 AM, Anonymous Anonymous said...

gusto ko ulit kumanta...
los polwelos...los polwelos con el kirikirikirikirikiri.....la gallina..la gallina con el caracaracara cara cara.....hmmmmm!!!

 

Post a Comment

<< Home