Tuesday, February 15, 2005

Paki Department

Dear Mouse,

Singit ko lang ang mga paki.

1. Pakisabi lang kay Kris Aquino na magbago na ng kutu-yey (couturier.). Para hindi siya parang debutante palagi sa kaniyang mga programa.

2.Pakisabi lang kay Madam Auring (ayan berks babies sinulat ko na) na hindi kagaya sa US ang Japan na pag doon isinilang ang bata ay magiging citizen ng bansang sinilangan. At ano naman kaya ang ibinuntis na NAMAN ni Madam Auring. Pokemon?

3.Pakisabi kay Karen Davila ba yon? Huwag siyang palaging nakasideview pag nagreport. Minsan ngani-ngani kong itagilid ang aking TV para makita kong nakadiretso siya.Siya lang ang nakita kong narereport na nakapose.

4.Pakisabi sa TFC na mga titulo lang ng mga sitcom ang pinalitan. Ang mga tauhan ay yon ding mga pilit magpatawa at walang script. Sayang na panahon.

5.Pakisabi kay Richard Gomez na matagal na yong pagkandidato niya at recent lang yong shoplifting issue. Kung hindi totoo huwag nang manakot ng I WILL DEMAND YOU. Tingnan si Rosanna Roces, demanda,demanda yong pala totoo. Tumahimik na siya ngayon sa pagmumura dahil ikukulong siya ng korte sa pag-iignore niya sa mga hearing.

6.May nude photo na naman daw si Mahal. PAKI ko.

7.Kung yon babaeng nasabihan ng BAKIT NABILI MO NA BA ang elebeytor, hindi ko pinapansin,siya pa?

Tigilan nga ninyo ako.

The Ca t

7 Comments:

At 10:32 PM, Anonymous Tat z said...

Uu nga, o yung kilay mo, tumataas na naman....

 
At 1:01 AM, Blogger BatJay said...

"Pakisabi kay Karen Davila ba yon? Huwag siyang palaging nakasideview pag nagreport"

BWAHAHAHAHAHA.... parati bang naka sideview? baka tulad ng kumpare kong si paul, gusto eh profile. naku, para pala siyang si leopoldo salcedo - the great profile!

 
At 2:00 AM, Blogger infraternam meam said...

paki sagot nga....
baka kaya naka side view parati si K.D. kung magreport eh, tapyas ang mukha. hmmmmmm!!!!

 
At 2:22 AM, Blogger Jobert said...

Ang taray ni lola!

Anyway, Baka naman kaya naka sideview yan siguro kasi yun lang ang part ng utak niya ang gumagana?

 
At 3:28 AM, Blogger watson said...

Uuuuuyyyy .... updated syaaaaa ....

 
At 7:22 PM, Blogger mari said...

pansin ko nga din, nakapose palagi yang si karen pag nagrereport.

 
At 6:31 AM, Blogger cathcath said...

tat z,
dalawang kilay.

jay,
maganda siguro yong left side niya.

frat.
sobra ka naman.

jobert,
baka kaliwete.

watson,
updated ako palagi.

marie,
oobserbahan ko siyapag nagbago. irereport ko rin.

 

Post a Comment

<< Home