My Life... Without You
Dear mouse,
Bigla ang pangyayari. Wala man lang akong nakitang pahiwatig na siya ay papanaw.
Ilang beses ko siyang tinangkang buhayin pero wala.
Ibig kong umiyak pero walang luhang pumatak.
Ibig kong sumigaw pero walang tunog na lumabas.
Ibig kong magalit dahil hindi ko man lang nalaman ang dahilan nang kaniyang pagkamatay.
Walang poot na namuo.
Nagpasya akong lumabas. Malayo para hindi ko siya makita sa ganoong kalagayan.
Pinilit kong iwaksi ang kalungkutan unti- unting bumabalot sa aking pagkatao.
Pimasya kong maglakad, walang direksyon.
Sa aking paglalakad, nakita ko ang mga bagay na bagay na nagpapaalala sa magagandang panahong aming pinagsamahan.
Ang aliwin niya ako sa aking mga hilahil. Ang pakinggan ang aking mga hinaing.
Ang tahimik niyang pagdamay sa aking paghihirap ng puso. Kaibigan ko siya habang ang iba ay abala sa kanilang mga sariling buhay. Kaibigan ko siyang matiyagang nakikisama sa aking pagpupuyat at pag-iisip kung ano ang aking magiging kapalaran.
Wala na siya at kailangang harapin ko ang aking katotohanan.
Umuwi ako na mabigat ang puso. Kailangang hawakan ko siya ulit at alamin kung may buhay pa nga siya.
ALELUYA, Buhay siya. It’s a miracle.
Buhay na naman si NOW WHAT, CA T ?
Aray, bakit naman ninyo binato si Ca t. Nag-eemote lang naman eh. Sensiya kayo, pareho ang sakit namin ni Sassy.
2 Comments:
I am so proud of myself to realize I am starting to get to know you a lil better- being able to predict the unpredictable :P
Happy long weekend Cat~
thanks g
Post a Comment
<< Home