Wednesday, March 30, 2005

Special Delivery-Bride

Dear mouse,

Seryoso ako. Nang mabasa ko ang blog ni Manangku ay nag-isip muna ako, binasa ang forum kung saan ang suliranin ng isang Pinay na kasal sa Puti ay inutakan ng asawa upang hindi siya maging legal na residente ng Estados Unidos.

Magaling ang blueprint, lahat pinag-isipan.

Parang kagaya rin ng nangyari sa isang taga Bicol na ang anak ay nakuha ng asawang British at nailayo sa kaniya, (mayroon akong isang istorya nito sa aking archive;parang katulad ng isang pinay na pinakasalan din ng isang Australiano na pagkatapos magamit, pinagbakasyon sa Pilipinas matapos bigyan ng one-way ticket. Ang address na ibinigay ay P.O.Box.

Karamihang nabibiktima nito ay ang mga mababa ang pinag-aralan na hindi nila alam ang kanilang mga karapatan at nagiging sunud-sunuran sa kanilang mga napapangasawang ibang lahi. Hindi ho naman ibig sabihin nito na masasama na ang mga lalaking hindi natin kalahi.

Kung kayo ay pupunta kay Manangku,mababasa ninyo ang buong kuwento pati na ang mga documentong kanilang nalikom para sa ebidensiya.

Ang kaniyang tanging pag-asa na lang niya ay isang organisasyong katulad ng Gabriela para mabawi ang kaniyang anak.

Ang mga tanong nga ay bakit hindi nilegalize ng asawang Puti ang kaniyang pagtira ng mahigit 7 taon sa USA?

Bakit tinuring lang siyang empleyado at hindi asawa na may karapatan sa kanilang ari-arian?

Paano siya naideborsiyo ng siya ay pagbakasyunin sa Pilipinas kahit wala pa siyang papel na masasabing may karapatan na siyang tumira sa Estados Unidos?

Paano niya mababawi ang kaniyang anak na bukod sa ang custody ay nakuha ng kaniyang asawa dahil inilabas nga na inabandona niya at hind na siya makita dito sa Pinas?

Obvious bang ginamit lang siya? Huwag na ninyo akong sagutin.

Malupit ang mga tao.

Sana at may tumulong kay Merlita.

The Ca t

3 Comments:

At 8:38 PM, Anonymous Anonymous said...

cat..sabi mo "huwasg na ninyo akong sagutin" o sige, huwag na lang, pero i change my mind, sasagutin na rin kita, makulit ako. after this comments i will check and read the entire story of "Special Delivery-Bride". before I do that, i would like to make a personal comment, this is my own and i speak for myself. i am not in the mood to argue w/anybody when this is read by your adoring fans. the shrotcomings of us pinoys, is that we have been raised to love anything that is western, most especially American. this started when, after the spaniards sold us to the Americans a group of Americans came to the Phil. shores called the Thomasites. they came upon the invitation of the Pres. of the U.S. in the pretext of religion to evangelize the country. but all the teachings that they did are all pro-american. this is the start of the indoctrination of how good the Americans are, on all aspects.because we came from the third world country, coming to the U.S. or abroad is a status symbol that place any clan or family in any province or barrio ahead and being looked upon by people w/envy w/in the barrio or community. anybody who has children abroad gets introduced.."si Aling Pacing, yong nanay is Simang na nasa abroad, na dollar earner, na kimikita ng paldo paldo" or "si Mang Gusting, yong anak niyan nasa Japan, nakapangasawa na doon ng Hapon, taksang taksang okane" or "si Insong Berta, yong anak niya nasa Hospitality industry sa Vancouver, at tinitingala ang position niya doon (isang dishwasher sa isang hotel pala)" what is the moral of the story, we have become a victim of our own doing, not because of stupidity but because of being so vulnerable and so innocent in the pursuit of earning more for the family and alleviating the entire clan to a different status. sez one friend of ours, who was a former Catholic nun in Pinas..."napilitan akong lumabas ng pagiging madre ng ako'y pinadala ng congregation namin dito at napilitang magtrabaho na isang care giver, kasi ang dami kong kapatid at mga pamangkin na pinagaaral, at sa awa ng diyos marami ng nakatapos, at naibili ko na ang aking magulang ng bahay at may grocery na sila, dahil sa perang pinauuwi ko". that is the reason at times also, some pinay gets into a trap of getting married to foreigner just to ease some from the quagmire that their family is into. (not all) and yes cat... i will help this lady. my niece works for an immigration and divorce and immigration lawyer in chicago, who are husband and wife lawyers team. i have already referred lots to them, and they will help, cuz the woman lawyer is also a pinay.(again...i dont need any comments from readers, testing the ground of this comments of mine into an argument... i speak for mayself, let those who read this, speak for yourself too!) frat..

 
At 9:36 PM, Blogger cathy said...

bless your heart frat.
As you can see the people who wanted to help this lady belong to the support group to Filipinas married to Caucasians.

I will find a way to have this publicized too thru the help of some legitimate/blogger/
journalists.

Before I decide to blog about the plight of this pinay, I read the whole seven pages of the discussion where documents were verified to find out if this is a hoax or not;
Please give me a feedback

 
At 11:55 PM, Anonymous Anonymous said...

cat...i am a member of PAX. this is an association of ex-priest and ex-seminarians of the SVD religious order(Christ the King Seminary or if you heard Fr. Gerry Orbos,SVD who was my Novice classmate).we have membership in the entire USA/CANADA and Europe and we have a newsletter. give me some of the reading materials and i will get it printed in our newsletter. there will be lots of input to those who will read this, cuz majority of the ex-seminarians and ex-priest are now lawyers.is there a way you can give me your email address w/o posting it in the website? frat....

 

Post a Comment

<< Home