Sunday, March 27, 2005

Almost An Angel

Dear mouse,

Image hosted by Photobucket.com

Ang Pista ng Pagkabuhay sa atin ay nagsisimula sa SALUBONG.Sa mga batang lumaki na ang kahulugan ng Easter ay kuneho at itlog na makukulay, sa Pinas ay ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng prusisyon kung saan ang Birheng Maria ay masasalubong si Hesus na bagong buhay mula sa pagkakalibing ng Biyernes Santo.

Dito ay kailangan ng mga batang anghel upang magsaboy ng bulaklak at umawit habang ang pinakabidang anghel ay unti-unting bumababa galing sa itaas upang alisin ang nakatalukbong sa imahen ng Kristong Nabuhay.

Ang aking ina ay dakilang stage mader. Gusto niyang kasama kami sa mga activities sa iskul at sa simbahan. Kaya nang malaman niyang kailangan ng aming parish ang mga batang babae para maging anghel sa Araw ng Pagkabuhay, namber wan ang pangalan ko sa listahan.

Dahil bawal daw ang manahi ng Huwebes at Biyernes Santo, Sabado niya inasikaso ang aking gagamitin sa aking pag-aanghel. Gulo ang sambahayanan sa pag-asikaso.

Para sa puting damit kong gagamitin, tinahi ng aking mader ang natirang pirasong lace mula sa kurtinang tinahi noong nakaraang pista. Huwag lamang akong tatabi sa bintana at baka ako ay mapagkakamalang napunit na piraso, maganda ang mahabang damit na tinahi niya para sa akin.

Hitsurang dinaanan ng malaking labaha ang mga puting manok ng aking lola na napilitang i-donate ang kanilang balahibo sa aking pakpak. Ang aming tanim na gumamela na siyang nagsisilbing bakod ay nakalbo rin ng bulaklak.Nagtitili man ang aming kapitbahay hindi rin siya nakatangging magbigay ng rosal at mga sampagita para sa bulaklak na ilalagay sa aking buhok at sa aking basket.

Ang aking pinsang dalagita ang matiyagang pumigtal ng mga talulot upang punuin ang aking basket sa pamamagitan ng saliw ng kaniyang...He loves me, he loves me not. he loves me.kurot ang inabot niya sa aking tiyang masungit.

Habang abalang ginagawa ang mga ito, ako ay matiyagang nakatanghod. Alas dos na yata ng umaga nila natapos ang lahat. Nakatulog na ako sa tabi.

Alas kuwatro, pupungas pungas akong binihisan, minekapan— mapula raw ang labi ng anghel...at dinala sa simbahan.

Sabi ng namamahala, iwan na raw ako ako doon sa loob at kaming mga anghel ay aayusin ang linya palabas sa lugar kung saan gagawin ang TUNTON. That’s the word for the descent of an angel to remove the piece of cloth that covers the icon of a Jesus Christ Who has just risen.

Siyempre, excited ang mga peyrents at relatives ng mga angeeells na naghitay sa labas.

Kodak dito, kodak doon....kodak dito...kodak doon....

Wala ang angel na pusa. Nakalipad eheste, nakaraan na ang mga angels, wala si pusa.

Dahil maraming tao, matagal bago nila narating ang likod ng altar kung saan nag-aasemble ang mga anghel para hanapin ang munting anghel.

Ahem

Hanap kete, hanap.

Natagpuan din.

Awww

Tulog sa sulok, hawak pa ang basket at natabunan ng pakpak at mga telang ginamit na kapa ng ilang mga kasama sa prusisyon.

Lintek kasing hintay na matapos ang costume. Ang tagal pa ng assembly. Malabo pa ang mata ng in-charge. Kaya si pusa bago dumating ang oras ng prusisyon, nakatulog.

Happy Easter to all.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home