Ang Teks Family
Dear Mouse,
"Bawa't hitit mo ng sigarilyo ay di mo naisip
na pera kong pinaghirapan ang iyong sinusunog.
ang pagsira mo g iyong buhay ay kagagawan
mo na rin at hindi ang aking paghanap ng pambuhay
para sa kapakanan ng ating pamilya. Kung hindi mo ako maigagalang bilang ina, igalang
o ako bilang tao.
Hindi po nagdadrama si Pusa. Dayalog po ni Vilma Santos yon sa pelikulang Anak kung saan si Claudine Baretto na anak niya ay nagwawala sa buhay bilang panggaganti niya sa pagkaiwan sa kanila ni Vilma upang maging DH sa HK.
Ito ang nagiging karaniwang suliranin ng mga OFW na nalayo sa mga anak. Dalawa ang kanilang pinakikibakaan, ang lungkot sa malayong bayan at ang rejection ng mga anak na iniisip ang mga sarili lamang.
Ang kaso sa Anak ay ang walang komunikasyon.
Nahirati ang pamilyang Pilipino na ang suliranin ng pamilya ay sa level lang mag-asawa pinag-uusapan.
Madalas nakakalimutan natin na ang mga bata ngayon ay mas muwang sa mga bata ng mga nakaraang dekada dahil sa pagkakaexpose nila sa mga makabagong teknolohiya.Isang kaibigan ko ang kababalik lang galing sa Pinas matapos niyang asikasuhin ang pag-ampon sa dalawa niyang pamangkin na pinabayaan na ng kaniyang bayaw sa kanilang pangagalinga mula nang ito ay magkaroon ng ikalwang pamilya. Bago siya tumulak pabalik sa Estet, isang sulat ang nakuha niya sa kaniyang bagahe,mula sa isa sa mga kambal na kaniyang inampon.
Hindi niya akalaing sa murang edad ay alam niya ang sakripisyong ginawa niya para lang sila mabigyan ng magandang kinabukasan.
Nakakaiyak daw ang sulat at mula noon ay hindi niya nakakalimutang magteks sa bata para mapaalam dito na kahit malayo siya ay mas higit pa ang malasakit niya kaysa sa sariling magulang nito.
Iyan ang bagong kulturang sumibol sa pagdami ng mga magulang o legal guardians na nasa ibang bansa at ang pagbubukas ng komunikasyon upang ang layo ay hindi maging sagabal sa kanilang pagkakaunawaan. Hindi man nito matumbasan ang kaligayahang nadarama kung magkakasama, naiibsan naman ang lungkot at takot dahil sa walang komunikasyon.
Ang bagong pamilyang Pilipino- ang TEKS FAMILY.
The Ca t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home