Monday, March 28, 2005

Si Pinay at ang voice tape

Dear mouse,

My other side,Pinaysaamerika is also contributing to my traffic even though it is not updated regularly.

Here is an update.

(Ang mga salaysay po rito ay nakaraan at hindi ang aking pangkasulukyan. Kung baga ay balik-tanaw na walang contact lens).

Wala kaming pasok pareho ng aking kaibigan kaya tambay ako sa kaniyang kuwarto. Inabutan ko siyang nakikinig ng voice tape. Galing sa kaniyang boy pren sa Pinas Ang kaibigan ko ay diborsyada sa asawa niyang Puti na siyang nagpetition sa kaniya papunta rito sa Estet. Natuklasan ng Puti na nakikipag-communicate pa rin siya sa boypren niya sa Pinas. Mabait si Puti at mabuting tao rin ang aking kaibigan. Iba-iba nga lang ang kanilang minamahal. Parang kanta ni Sharon, Mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba. Ayaw lang ni Puti na makitang kinukuwartahan ng boy pren ang aking kaibigan na hindi ko pa kaibigan noon. Ewan ko ang gulo talaga ng buhay.

Kadidibrosiyo lang nila nang kmai ay magkakilala. Balikan sila ng boypren sa Pinas. Sulat,telepono, at voice tape. Pakinggan natin.

Voice tape: Honey, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko at yan ay di magbabago.

Honey niya: Sarap pakinggan.

Ako: (Bulong lang ho) Sarap sapukin. Lokohin mo lelang mo. Ewan ko ba, sense ko na bolero talaga yong boy pren na yon.

>More...

The Ca t

1 Comments:

At 10:42 PM, Anonymous Anonymous said...

cath...this entry is like reading an episode of "Desperate Housewives" Pinoy version...frat!

 

Post a Comment

<< Home