Saturday, March 26, 2005

Kuwaresma sa Pilipinas

Dear mouse,

Masarap gunitain ang mga nakaraan kahit ang dapat malungkot na araw ng Holy Week.

Ang mga Batang lumaki sa Estet ay walang kamalayan ng ating kultura hatid ng ating pagiging relihiyoso.

1.Ang Pasyon

Ito ay pagbasa ng buhay ni Kristo na nagsisimula sa paglalang ng mundo at ang pagkakasala ni Adan at Eba sa hardin ng Paraiso. Hindi karaniwang pagbasa lang ito ng mga talatang may limang linya at ang huling salita ay nagtapos na may rima.Ito ay binabasa nang pakanta.

Halimbawa

Si Hudas:


Nang matalastas ni Hudas

Ang pagsagot nabanayad

Nilapitan niya agad

Hinagkan nia't niyakap,

Tumatawang parang uslak.

lilindi-linding katawan,

Para rin ng dating asal,

Binati ng buong galang,

Ave Rabbi ang tinuran,

Maestro kong minamahal.

Ang himig ay nasa nagbabasa na lamang. Nagiging itong rock at rap pag ang nagbabasa ay nga kabataan.

Magdamagan ito mula Lunes Santo o kaya ay Domingo de palaspas kaya ang pagkain sa mga nagbabasa ay wala ring hinto, kilala ka man o hindi ng nagpapabasa.

Dito sa parteng ito, masaya, lalo at may ice cream.

2. Ang Penitensiya

Ang pagpepenitensiya ay isang panata.

Ito ay ang paghagupit sa sarili habang naglalakad papunta sa simbahan. Karaniwan na ang tinatakpan ng mga nagpepenitensiya ang kanilang mukha ng isang pirasong tela upang hindi sila makilala. Pagkatapos ng kanilang pagparusa sa sarili, sila ay naliligo sa isang ilog kung saan anila ang kanilang mga sugat at sakit ay kusang napapawi.

Amg Paghugas ng Paa ng mga Apostoles

Pag Huwebes Santo, ang mga piniling mamamayan ay nagsisilbing apostoles sa isang pag-alala ng paghuhugas ng paa bago ginaganap ang Cenaculo. (Last Supper).

3. Prusisyon

Ito ang paglabas ng mga santo at ng imahen ni Hesus sa Santo Sepulcro upang iprusisyon sa bayan. Parang paggunita ito ng paglibing kay Hesus pagkatapos niyang mamatay sa pagkapako sa Krus.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home