Monday, April 25, 2005

The Music of My Layp

Dear mouse,

Third topic namin ito sa blogkadahan.

Sa topic na ito ay kailangang magresearch ako para sa lyrics na aangkop sa aking buhay. Hindi dahil sa hindi ako mahilig sa musika, (kaboses ko raw si Nora Aunor, ahem sabi ng aking kapitbahay na madalas mangutang sa akin. hindi ko lang alam kung aling kanta ni Nora, dahil wala akong alam ni isa kung hindi yong Pipel, pipel who need pipel at haggang doon lang), hinga... kung hindi dahil wala akong oras noon sa Pinas na huminto at makinig at alamin kung sino ang kumakanta. Isa pa, nabasa ko sa isang magasin na kung malungkot ka at may problema, huwag daw makiking ng mga musikang lalong makapagpanaknak (lalim ng Tagalog ko, sisid bata) sa iyong sugat.

Ako ang kaladkarin, pagdating sa musika. Kung sino ang kasama ko, yong musika niya ang naririnig ko. Tulad ng aking naging mentor na tagahanga yata ni Frank Sinatra na wala na akong narinig kung hindi MY WAY at LET ME TRY A GAIN sa kaniyang opit. Hindi naman ako nagagandahan sa boses ni Sinatra. Pag nagkaroon ng party noon, unahan pa sila sa karaoke pagkanta ng MY WE.

Nang mapunta ako sa Estet at maging boss ko ang doctor na magkakaroon ng malaking bahagi sa aking buhay, napilitan akong makinig sa Chopin, Beethoven at iba pang classical music. . Dami niyang cd. May paborito ako na hindi ko alam ang titulo pero gusto kong pakinggan dahil naaalala ko ang paborito kong cartoon na may mga dagang naghahabulan, mga nagsasayawan. Akala niya inaapreciate ko yong music dahil ako ay nakatingin pa sa itaas at medyo nakangiti. hekhekhek.

Dito ko rin narealize na ang Ave Maria pala ay hindi lang pangpunebre. Doctor nga ang boss ko, pero musician siya by heart dahil siya ay tumutogtog ng cello.(nanay ng biyulin).

Kaya pag pinalalabas ang mga konsiyerto nina operatic singers na sina Placido Domingo, Luciano Pavarotti at Jose Carerras (tawag ko ay tatlong itlog) sa isang TV channel ay pinipilit niya akong manood. Sarap ng tulog ko.

Trying hard pa ako na may alam sa mga operatic singers nang tinanong niya ako kung gusto ko raw si ANDREA BOTECELLI, kasi manonood daw kami.

Akala ko babaeng soprano, ANDREA eh, yon pala yong bulag na Italian tenor. Nang pinapanood ko siya, hindi ko malaman bakit ang ating mga diva ay panay ang emote para maabot ang mataas na nota, samantalang siya ay nakatayo lang, nakapikit ang mata. Kinilabutan ako nang kantahin niya ang AVE MARIA. Parang gusto kong lumuhod.

Basahin ho ang karugting DITO.

Magsisisi kayo pag hindi ninyo tinapos ang pagbasa. Isusumpa-sumpa ko ring makamukha ninyo si Madam Auring... oops.

The cat

3 Comments:

At 1:50 AM, Blogger infraternam meam said...

cath...sa pinas lang gingagawang punebre and AVE MARIA. actually this is a song of praise about the Virgin Mary. It is part of the rosary too. The first coda goes "Ave Maria, gratia plena." Hail May full of grace. Are u talking about ANDREA BOCELLI? kasi si Boticelli is a Renaissance painter.Andrea Bocelli is a blind operatic singer, who wants to be a lawyer and who studied to be a lawyer n ended up being an operatic singer.hmmmmmm!!!!

 
At 12:46 PM, Blogger infraternam meam said...

cath...i am very curious. u have removed a comment in ur blog about the FEMALE POPE AND DA VINCI CODE. anong siyete ng taong yon sa yo na u dont want to share. akala ko pa naman we have already a relationship. hikbi hikbi at higit sa lahat hikbi. hmmmmmm!!!

 
At 6:34 AM, Blogger cathy said...

frat,
ang korni mo. Regalujan kaya kita ng mais.

Sa aking comment yon anoh. Doble kaya inalis ko.

 

Post a Comment

<< Home