Friday, April 22, 2005

PAPAtawa ako o sila ?

Dear mouse,

Iwanan muna natin ang tungkol sa PAPA hanggang di ko tapos yong blog ko about the female pope. Susulatin ko kasing ala Dan Black eheste Brown. mwehehe.

Pakisampal-sampal nga ako.

Eksena 1

Nanood ako noong program ni Boy Abunda, Homeboy ba yon?

Mga HR people ang imbitado, kasi it's about job fair/

Boy: Ano ang maibibigay niyong advice para sa mga interviews.

HR girl from Jolibee: Kailangan diretso ang mga sagot nila. Huwag yong maraming PALABOK.

The Ca t : Ano raw ? Eh Chicken joy, pwede ? mwehehe.

HR guy from ...: Kailangan malinis silang tingnan. Nakabutones ang kanilang polo at dapat sila ay mabango.

The Ca t : ahahay, kurutin kita riyan.

Eksena 2

Joke time daw. Sabi noong tinawag: Anong tuyong isda ang hindi basa ? Eh DI TUYOOOOOOOOOOOOOO. Gagahhhhhh. Matutuyuan talaga ako ng dugo sainyo.

Eksena 3

Batang lalaking artista: At that time, we have this thing going... blahblah.

Batang babaeng artista: Wala ho talaga. Friends lang kami.

HOYYYYYYYYYY, pakisabi sa PR Manager ninyo, irehearse kayo ha. Hmpphhh bakit ko ba kayo pinapanood?

Eksenang lokal as in si Ca t ang isa sa mga characters.

The Ca t: Ito po ang pinepress para sa elevator call. (tinuturuan ko yong isang Pinay na lahat na yatang nakitang buton sa may elevator ay priness).

Ngumiti siya at sabay kami pumasok. Mali na naman ang priness niya.

The Ca t: Kung close door, ito ho.

Ngiti siya at nagtanong.

Babaing Pilipina: Pinay ka ?

Batukn ko kaya ? Ano sa palagay ninyo? Susme hindi naman Latin ang kausap ko sa kanya.

The Ca t : (nagpipigil) Ano ho sa tingin ninyo?

Babae: Kasi mukha kang Latina.

Maglupasay kaya ako sa elevator.

The Ca t : Madalas nga ho akong mapagkamalang ibang lahi pero sinasabi ko mas maganda yong ang tingin sa akin ay Filipina.

Ang mga Puti naman ay talagang ang tingin nila sa akin ay Pinay. lalo yong marunong tumingin ng may class at GANDA. (aray bakit kasi kayo nambabato ng PUSA?)

Have a good weekend folks.

The Ca t

4 Comments:

At 8:58 PM, Blogger infraternam meam said...

mukha ka ba talagang Latina? o LaCaTina?

 
At 4:33 AM, Blogger cathy said...

ernie, tenks.

maganda in ang web page mo. galing ng pics.

 
At 4:35 AM, Blogger cathy said...

frat,
dahil lang siguro sa ilong ko at mata.Alaga ng sipit sa damit noong bata pa ako.

 
At 2:46 AM, Blogger Kiwipinay said...

pareho pala tayong napapagkamalang latina. dun sa ospital, pinay pala yung sumisipsip ng dugo ko. akala raw nya, latina ako. dahil siguro sa apelyido ko. pero kadalasan, napapagkamalang tsekwa dahil sa mata ko. pero pinay na pinay nga rin po ang beauty natin! yung isang pharmacist, habang naghihintay ako sa mga gamot ko, tinawag ang apelyido ko. akala raw nya, taga argentina ako. spanish sounding daw ang apelyido ko. ayun, napalaban naman ako ng aking nakatago sa baol na mga kastilaloy.

kaso lang, kapag mga puti ang mga nagtatanong at nalaman na pinay ako, nagtataka. bakit daw ang galing kong mag-inggles. sus mio! magtaka ba sila?

musta na ang pusa? *meow*

 

Post a Comment

<< Home