Nora Aunor at si BONA
Dear mouse,
Dapat Tuesday pa itong post na ito pero may lover's quarrel ang blogger ko at ang aking host server. Di sila magkabati.hehehe
So for two days, this is what I did.
The Ca t : Ano sasabihin mo na?
The Mouse: Sige na nga, pakawalan mo na ako, Ika din di ka makakapagblog.
Anyway, here it is...Nora Aunor the Superstar, as narrated by a Noranian.
Ang mga Noranians ho yata ang mga tagahangang hindi nagbago sa paglipas ng taon. Matapat pa rin sila kay Nora, ano man ang marinig nilang masamang balita tungkol sa kanilang idolo.
Nagsimula silang mga tinedyer, bitbit ang mga sampagita, nakiiyak at nakisaya. Sila ang tinawag na bakya crowd ng 1970’s.
Ito ang isang pakikipag-usap sa isang Noranian. Tiya siya ng aking kaibigan. Nakapagtapos ng Education pagkatapos niyang sumunod-sunnod kay Nora noong bata pa siya. Nakapag-asawa ng isang US Navy at ngayon ay naninirahan sa Estet.
Noranian:BONA ako.
The Ca t : Anong BONA ?
Noranian:Bona, yong tagahanga, Yong makikipagpatayan para sa idolo. Pelikula ni Nora yon. Siya si Bona, yong taghanga, alalay, nagpa-alila kay Philip Salvador.
The Ca t : Si Philip Salvador ? Yong ex ni Kwris (correwct)Aquino at dalawa pang ibang babae?
Die hard po ni Nora Aunor ang aking kausap. Kaya pagpasok ko palang sa bahay ay b inulungan na ako ng aking kaibigan na magbiro na ako sa lasing, huwag lang sa tiya niya pag tungkol kay Nora. Tumira raw siya ng ilang Linggo sa bahay ni Nora kasama ang ibang mga alalay nito. Hanggang matunton siya ng kaniyang nanay at iuwi sa bahay nila.
Noranian:Madalas ang punta namin noon sa CBN.
The Ca t :Walang ABS ?
Sumimangot ang kausap ko. Sabad-sabad kasi me. O sige na nga, ibibigay ko na lang ang microphone sa kaniya.
Noranian : Sikat noon sina Perla Adea. Maputi si Perla pero maliit din. Lumalabas sa programa ni Johnny “Lundagin: mo Baby, ang isang sikat na announcer.
The Ca t :Hindi si Noli de Castro?
Aray...Dinunggol ako ng kaibigan ko. Tahimik.
Hokey.
Noranian :Si Noli Boy, tagatakbo lang ni Johnny non.
Galing ng istorya.Para bang rewind. Tsusutstususutsususutss.(sound ng rewind).
At sa saliw ng Tiny bubbles,,hmmhmmmm
Noranian:Sinali niya si Nora sa Operetang Putol-putol.Kapapanalo pa lang niya noon sa Tawag ng Tanghalan.
The Ca t:Hindi Star in a Million ?
Arayyyy. Kalyo. Sumusobra na itong kaibigan kong ito. Kung hindi ko lang naalalang siya ang maghahatid sa akin pag-uwi disin sana’y iniwan ko na sila.
Tuloy ang kuwento.
Noranian :Unang picture ni Nora ay extra lang siya at ang kasama niya ay si Edgar Mortiz.
The Ca t :Si Edgar Morttistiztizitiz? (echo kunwari)Yong ex ni Vilma at ngayon ay bayaw ni Malalala mo kaya Ate Charo ba yon ?
Noranian: Oo yon nga .Nanalo rin si Edgar Mortiz sa Tawag ng Tanghalan.
Galing ng memory ng tiya mo, bulong ko sa kaibigan ko.
Utangan mo ng pera, biglang magiging maakakalimutin yan, pati ako akala niya, kapatid niya, sagot naman niya.
Itutuloy
Naalala ko nga pala, mayroon akong pupuntahan.
Subaybayan ang susunod na kabanata.ekhekhek
The Ca t
3 Comments:
o eto Trivia, hindi ako Noranian, pero Did you know that when Nora Aunor won the Tawag ng Tanghalan amateaur contest against Diomedes Maturan and she sang the song "Around the World", na nagpanalo sa kanya, eh narinig siya ng isang American Country singer named PATSY CLINE" and offered to adopt her! she declined and she became a superstar. did you know also that it was Elizabeth Ramsey who snitched on her when she abandoned her children and went wild with a younger male star? Elizabeth Ramsey called the Radio station and all the intriguerrang Bakla sa media and exposed Nora, putting her children in danger. did you know also that Nora is a follower of a woman (who was said to be a saint) named "Ate Teresa" who has a house in Tagaytay and being followed by her follower and believed in her, including Nora. when her "Ate Teresa" died, Nora was at a loss. kaya nagka leche lech ang buhay niya. no more guidance na kasi. Say Moh??? hmmmmm!!!
Frat,
dami mong alam na behind the scenes happening.
Napabayaan nga niya ang mga anak niya. wawa naman.
as in may disclaimer pa na "di ako noranian, pero", why can't we discuss local artists without being branded as fan? Like, we can free discuss the works of Merryl Streep and julia roberts, pero pag mention mo body of works of nora aunor (which is a lot!!) ask na agad ang mga pa sosyal, na , Noranian Ka??? Hellllooooo!!!
Post a Comment
<< Home