Thursday, April 07, 2005

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Dear mouse,

O naintriga kayo sa title ko noh? Ibig sabihin niyang tili to the max sa inis. Para bang EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE.

Don’t pansin me. Inis lang talaga ako.

Di ko alam kong ang mga broadcasters natin at ang mga game show hosts ay may mga common sense. COMMON ang sinabi ko ha.

Halimbawa:

Isang game show host ang nagtanong sa isang 10 taong gulang na bata na galing sa depressed area AKA squatters’ area na alam ng audience na isang kahig isang tuka.

Ito ang tanong: Paano mo sinicelebrate ang Easter Sunday ?

Taas kilay na hmppph

Miss, hindi ba ninyo alam na sa mga batang halos di kumain, ni hindi nila alam kung alin ang Pasko at alin ang ordinaryong araw.

Saka baka hindi nila alam ang ibig sabihin ng Easter Sunday. Baka si aling Ester, puwede pa.

Kung yong mga matatandang nasa squatter, hindi pa alam kung sino ang three KINGS. Bata pa. English pa. Hmppp.

Isang ABS CBN roving reporter naman ang madalas kumuha ng opinion tungkol sa mga latest issues.

Reporter: Umiyak ba kayo nang mbalitaan ninyo ang pagkamtay ni PAPA?

Sagot : OO

Reporter: Tanggapin ninyo ang isang lata ng gatas...blah blah.

Sus Santa Tecla, alangan naming sumagot yon ng HINDI HUMALAKHAK PA AKO.

Toink toink toink KAINIS

Dito rin sa Estet, meron ding mga “Pilipinong” reporter na ganiyan.

Reporter: (Tanong sa isang batang tinedyer na Filam) What is your opinion on Nora Aunor’s drug busting issue?

Filam: Nora Aunor who?

Susmarianong Kulafu. Tatanungin niya ang generation na baka hindi pa ipinanganak nang namamayagpag pa si Nora. May concert nga rito sa States pero mga dating fans niy a lang ang nanonood. Tanungin din niyo kung s ino si Juday at Sandara, baka masagot nila.

Tungkol naman sa pagkamatay ni Papa

Puwede ba, para lang magkaroon kayo ng balita, huwag namang pati yong mga taong nagdrive lang siguro nang isang araw at mga taong hindi naman authority tungkol kay Papa ay tatanungin niya ng tungkol sa PAPA. Kung gusto talaga nilang mainteres ang mga tao ng balita tungkol sa Papa, magresearch sila ng mga impormasyong verifiable tungkol sa Papa na hindi pa nalalaman ng mga tao.

Kagaya halimbawa ng :

1. tumulong siyang maiinstall sa gobyerno ang isang labor leader sa isang Latin country

2. Ronald Reagan saw a white spot among the multitude from the roving space sateliite taking pictures of Planet Earth. It was Pope John Paul II being welcomed by a big crowd. He was really an easy target for an assassin because he stood out in the sea of humanity.

3. Out na si Korina sa mga international coverage ng ganitong mga balita. Si Karen Davila na talaga. Dati siya ang unang-unang makikita mosa TV monitor sa mga important events.

Kagaya rin ng pagkakaouster ni C.Fiorina sa HP>

Ikanga, the greatest battle is not fought in the war zones but in the board room.

Yan ang sinasabing corporate politics.

Iba naman ang pagkaka"out" ng paborito kong si Manuel Quezon III as editorial writer ng PDI.

OOPs ano ba ang pinagsasabi ko?

The Ca t

4 Comments:

At 12:15 PM, Anonymous Anonymous said...

ang ibig sabihin ng na-"out" ay nabuking. binuking ako ng pdi bilang editorial writer, usually, di nila inaamin kung sino sino ang nagsusulat ng mga editorial hehe pero nagsusulat parin ako ng editorials.

 
At 12:21 PM, Blogger infraternam meam said...

wow...isang potpourri of news. mabango pa rin. hmmmmm!!

 
At 12:45 PM, Blogger cathy said...

frat,
buset lang kasi ako.

mlq the third,
sabi ko na nga ba. buti na lang tinanong ko saiyo.

 
At 9:55 PM, Blogger Unknown said...

isa pang nakakaiinis na gawain ng mga reporters... tanungin yung mga namatayan kung ano masasabi nila sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay...grrr

 

Post a Comment

<< Home