Isang PARK, isang araw
Dear mouse,
Noong Biyernes ay pumunta ako sa isang park. Hindi maalis ang aking ubo kaya niyaya ako ng isang kaibigan para suminghot ng tubig dagat.
Ang park dito ay hindi kagaya diyan sa Pinas na may monumento, may swing at may mga magagandang bulaklak. Meron pang relos. (Buhay pa kaya ang relos sa Luneta?) Dito ay park dahil puwede kang magPARK ng kotse mo ng libre. (hehehe)
Sa baba ay ang Pacific Ocean. Napakataas pala ang aming kinalalagyan. Kaya ang mga batang naglalaro sa dalampasigan ay parang sinliliit lang ng mga ibong lumilipad-lipad at manaka-nakang dumadapo sa buhangin.
Sayang nga lang at di ko nadala ang aking camera.
Ang mga ibon ay parang nagpapasikat paglipad sa mga taong naroroon sa park.
Minsan ay anim sila na para bang mga eruplanong naka”formation” at biglang Maghihiwalay na dalawahan, isahan at muling magsasama-sama.
Napapalakpak ang batang hila-hila ng aso ang taling hawak niya.Sabi siguro ng aso, ano kaya kung bigla akong tumakbo?
May lalaki ring sinusundan ang kaniyang aso. Pahinto-hinto ang aso na para bang nagsasabing—Tagal naman maglakad ng amo ko.
May babaeng dalawa ang kasabay na aso. Isa ay may suot na damit.Kakulay ng damit ng suot ng babae. Greyhound ang aso kaya matulis at payat ang mukha nito.
Parang gusto kong lapitan at tanungin kong mag-ina ba sila ?
Lumapit sa akin ang kasama ko. Maamo ang mata niya. Hinalikan niya ang kamay ko. Sa isip ko huwag mo akong tuksuhin. May nag-aari na saiyo. Pagod na ako nang pagmamahal sa hindi sa akin.
Tumakbo siya na parang nagpapahabol. Kinuha niya ang isang bola ng tennis na Ang pagka-akala ko ay bulaklak ng mga damong makakapal.
Humiga siya sa damo at parang nagsasabing, halika. Kalimutan mo ang iyong lungkot. Tingnan nating ang bughaw na langit.
Lumayo ako at lumakad sa may bangin. Tinanaw ko ang lalaking nagsisimula ng Tumalon sa kabilang gilid ng park. Hang glider siya.
Mga ilang saglit lang ay kasama na siya ng mga ibon sa kalawakan.
Malaya, masaya, malapit sa langit.
Sumunod siya sa akin. Tinitingnan niya ako at tila nagtatanong kung may balak akong tumalon.
Minarapat ko nang umuwi. Nilalamig na ako.
Tahimik siya sa sasakyan. Nangiti ang nagmamay-ari sa kaniya.
How are you love? Tanong sa kaniya.
Bow wow wow. Lakas ng tahol niya.
The Ca t
4 Comments:
baliw ka talaga acheng. si tagpi pala yun! ahahahahaha!!! sakalin na kaya kita? :D
hey, i've been promising to stop by and "judge" you, err...your blog, but ngayon ko lang nagawa, sorry ha, ngayon lang may nagtiyagang magturo lol!
there's always a story behind your story but you always manage to infuse both with your own brand of humor! o sige... i'll read more.. ibs
di ba sabi ko sampal lang. tingnan mo avatar ,tuwang tuwa.
ibs,
for seven years together, you know already my style.
i am happy that you are joining me in the blogosphere. I cannot wait to see your blog and those of our friends.
welcome.
Post a Comment
<< Home