Tula para sa isang Kaibigan
Dear mouse,
Paminsan-minsan po ako ay humahabi ng tula. Alam kong hindi kasing galing kagaya nina Angelo, Jardine at iba pang mga manunulat ng tula dito sa cyber world (huwag babatuhin si Pusa. toink) subali't pinapalagay ko na sapat naman upang ibahagi ang aking ibig ipahatid.
Sa isang kaibigan na ngayon ay naghihirap ang kalooban sa pagkaawa sa kapatid na maysakit. Frat, para saiyo.
Guhit ng liwanag galing sa taas, Bigay niya sa taong madilim ang landas na tinatahak. Parang nagsasabing hindi ito ang wakas. May naghihintay pang pag-asa at sa lungkot ay may lunas.
Nang gunawin ang mundo, bahaghari ang dumating. Parang nagbabadyang pangamba ay alisin. Kagaya rin ng taong sukdol ang hilahil. May bukas pa, kahit gabi ay madilim.
Hirap ng loob, lahat ay nakakaramdam, Pagpatunay na tayo’y may pusong nilalang, Sakit ay nagpapagupo sa mortal na katawan, hindi sa kaluluwang buhay ay walang hanggan.
cb2005
The Ca t
2 Comments:
hi Cath. Salamat sa pagbanggit kahit sa tingin ko sa sarili ay hindi naman 'magaling'. Dahil hindi naman ako kritiko o guro, maganda ang pagkabasa ko sa tula kaya lang nadismaya ako sa huling linya dahil ang nais mo sana ay palubagin ang kalooban ng kaibigang si Frat pero iba ang naging basa ko sa huling linya/taludtod. Baka mali rin ang pagkakabasa ko.
- angelo
Hay salamat napansin din ng makata.
Oo nga ako rin nadismaya, kaya ayan pinalitan ko na. (Bulong, sana wala ng makita si aa...maglalaba pa kasi ako) meow.
Post a Comment
<< Home