Saturday, May 14, 2005

Hiram na Kultura ?

Dear mouse,

Nanonood ako ng noon time show kung saan ang unang number ay rap music at "New York street dancing". Yong paikot-ikot at pasirko- sirko sa lapag.

Sa audience ay may naligaw na mga Puti.

Ano kaya ang nasa isipan nila?

Na ang ating kultura ay gaya sa mga Itim na nasa kalsada ng magulong lungsod ng New York?

Ano rin kaya ang nasa isip nila na habang sila ay manipis ang suot dahil sa init ng panahon sa Pilipinas, ang mga artista naman natin ay naka snow cap, nakaleather jacket at nakalong boots ?

Hindi ko sinabing magsayaw sila ng pandanggo o itik-itik pero marami naman sa ating mga dance groups ang magagaling sa choreography na nakakaimbay ding sumayaw.

Marami rin sa ating mga banda ang magagaling kumanta ng Pinoy music na masisigla ang kumpas.

Palagay ko hindi naman ang mga tinedyer na mahilig sa rap music ang target ng programang ito dahil karamihan na nandoon ay may mga edad na.

Mula nang maglagay ng rapper sa Dong Puno sa programa niya noon, hindi na ako sumilip ulit.

A ewan ko. Ang alam ko ang mga has-been na mga entertainers diyan sa Pinas ay pumapatok dito sa Estet.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home