Saturday, June 04, 2005

I dreamed of being Miss Universe

Dear mouse,

Walang tatawa. walang tatawa. Ipapasumpa ko kayo sa anghel ko sa kaliwa na maging palaka kayo pag lalaki at kampanerang kuba naman pag babae. Pag may mga nagsabing babayes, na hindi man lang nila pinangarap yon, loud laffter ang aabutin sa akin..

Hekhekhek

Sa dadsy ko kasi, ako ang Miss Universe. O di va, sa mga ema at epa natin, tayong mga little goirls ang pinakamaganda. Kasabihan nga pag ang ema mo ay di matanggap ang kasabihang, a face, only a mother could love.. Day, its time for you to choose from options to say goodbye to this cruel world. In short, pangeet ka talaga.

Sa akin, motivation yata ni mader para hindi ako masyadong makabawas sa family budget ng pagkain, she asked me to watch my waist line. Kaya naman, bata pa ako ay conscious ako sa aking baywang at ang mahilig tirhan ng bilbil, ang sikmura. Kailangan, maliit siya. Kaya minsan, nagparetrato ako sa Luneta, kasama ang aking mga kaibigan, stomach in ako para ipakitang flat ang tummy ko. Tagal ng retratista, buti di nakita ang aking bluish na kulay sa pagpigil ng hininga.

Pinaiinom rin kami ng Milkmaid para raw tumangkad. Bakit si Nino Muhlach, di lumaki?

Hindi dahil paborito ko ang pelikula ni Sandra Bullock na Miss Congenialty pero, wala na talaga akong bilib sa pageant.

Ito ay mula nang malaman ko na sa Latin countries kung saan ang mga kandidata ay palaging nanalo, karamihan sa mga napipili ay pumupunta sa mga cosmetic surgeon para alisin ang mga hindi kanaisnais at pagandahin ang di maganda. Kung ganito ng ganito ay palitan na lang ng titulong Miss Universe:Makeover.

Kahit ang competition nila sa best national costume. hindi ako bilib. Para kang nanonood ng mga showgirls sa Vegas at Reno.

Huwag ninyo akong pansinin. Asim-ubas lang yon sa akin, dahil hindi ako tumangkad at ang aking harapan ay hindi lumaki kaya muntik na akong napagkamalang plantsahan ng aming katulong nang minsang ako ay natutulog ng nakatihaya. Saka litro na ang uso sa coke at hindi na yong classic coca-cola bottle.

The Ca t

2 Comments:

At 8:44 PM, Anonymous Anonymous said...

hey miss universe, it's not too late yet...


iby...

 
At 10:12 PM, Blogger cathy said...

iby,

baka manalo ako pag sumali. hekhekhek

 

Post a Comment

<< Home