It's great being pinoy--blogkadahan series
Dear mouse,
The fifth round is on for blogkadahan.
Since independence day is just around the corner and the birthday of our national hero is in June 19, the group feel that we should talk about what it is in the pinoys that makes us proud.
Though my piece is funny, I wish I was able to drive home a point,i.e. why Filipinos are among the happiest people in the world despite calamities, corruptions, coups and the Buzz.
Sampol lang ho ang sumusunod. Ang kabuuan ay nandito.
Drop a coin if you like the article; drop a bill if you don't(parusa saiyo noh) and drop a message at the end of the beep. BEEEP.
Kahit sa publiko lang nag-aaral ang anak mo, alam mong walang masisirang ulong bata na kukuha ng baril at papatayin ang mga kaklase at titser niya. Walang mga gang na bubugbog sa anak mo pag sila ay lalampa-lampa. Kahit pa nga shoklai ang anak mo ay hindi matatakot lumabas. Pumupunta pa kay Boy Abunda para sabihing bakla po ako. Mayron ngang nagba-blog na sistah talaga siya sukdulang malukreng kang magbasa. Ahahay. Chos.
Who needs rehab, special ed classes and child therapy?
Sa sasakyan naman ay may dyip. Dito sa Estet, pag namiss mo ang bus, mangangaligkig ka ng ginaw sa bus stop. At libre musika pa ha. Kahit ang mga ear drums mo ay magkalasog-lasog dahil sa lakas ng mooosik.Ang drayber natin puwedeng ilaban sa Math Quiz. Biruin mo ang galing niyang magsukli sa dami ng pasahero ng walang kalkuleytor. Pwede mo rin siyang isali sa Double Jeopardy. Mahusay ang kaniyang memory. Alam niya kung saan ka sumakay at saan ka bababa. Tipong, HOY Hindi ka pa bayad. Sagot ka naman na parang inatake ka ng dementia, Ah hindi pa ba? sabay bigay mo ng Pepty peysos. Susuklian ka naman niya. Kahit nga isandaan pa eh.
/The Ca t
1 Comments:
ur e-mail addy.
don't worry it won't show. you can make use of your blogger username.
Post a Comment
<< Home