Tuesday, May 06, 2003

STORY 3 ANG LIFE PARANG LIFE Many of us unconsciously write the drama of our life. Daily, we battle from crisis to crisis' drowning in the misfortunes that we have authored. Battered and bruised from these struggles, we do not realize that we always have options. Some resigned their fates to their favorite saints. Some cannot just break away from the family tradition and religious mores that whatever is bound by the Church should stick thru thick and thin to each other until death do them part. The following is a phoned-in story. Pardon me for not translating them. Ring..ring… CAT: Hellow, this is she, may I know who’s calling….. Phone: tita naman (she is not my niece nor a relative. Tita is an alias she gives to close friends. She is a fan of the comedianne/ model who popularized the word in the gay lingo) Accent Estados Unidos ka na. Si. (insert name) ito…. CAT: Ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy(this is a softer version of the scream from the movie with the same title) bruha….Tindi ng pang-amoy. How did you know that I am in town ? Phone: Tita, tagalog tayo. Wala ako sa mood gamitin ang lengguwahe ni Shakespeare. CAT: Oksi…so saan mo naman nasagap ang alimuom (Tagalog yan) na nandito ako ? Phone: Tagalog ang sabi ko, hindi lengguahe ni Florante at laura. CAT: hindi ka pa talaga nagbabago, kikay ka pa rin. Phone: Pag nagbago ako, magkakaroon ng dilubyo, babaha, uulan . Pero bago tayo magkabahaan, kumusta na ang beauty mo. CAT: Mabeauty pa rin.. Pano ka napapaniwalaan ng mga students mo na professor ka nga? Phone: Iba ang persona ko sa klase, iha. Ako ay mayuming Maria Clara na kasing higpit ni Carp. CAT: Sinong Carp. Phone: Yong prof natin sa English na hindi marunong ngumiti. CAT: ow…so anong siyete ? Phone: Naalala mo si C. CAT: Yong kaklase nating palaging in-love pero wala namang magpakasal. Phone: Sinabi mo. May-asawa na siya. CAT: Ay ay ay, sandali, ibaba ko lang itong mainit na kape at baka matapon sa aking pagkabigla.Paanong nangyari yon. Saang Santo siya nagdasal. Ang alam ko bago ako umalis nakasabay ko siya sa St. Jude. Phone: Bakit Tita, ganiyan ka ba rin kadesperada? CAT: ‘cuse me. Iba yong ipinagdadasal ko. Balik tayo kay C. Sino ang kawawang lalaki ? Phone: Siya ang kawawa , sabihin mo. CAT: At bakit ? Phone: Kasi Tita, atin atin lang ito. Pag sila lang daw dalawa, at tumatabi siya tumitili. CAT: Sino si C? Phone: Hindi yong mister. CAT: Bakit tumitili ? Phone: Bakit ba tumitili ang mister? CAT :Malay ko. Bakit nga ba ? Aaaahaa, ibig mong sabihin? Phone: sinabi mo. CAT: wala pa naman akong sinasabi. Phone: Alam ko ang ibig mong sabihin. CAT: At paano mo naman nalaman ito. May surveillance camera ka ba sa kanilang bedroom Phone: Tita, kinuwento niya kay D at si D naman kinuwento kay E… CAT: AT kinuwento ni E saiyo. Phone: hindi si V. CAT: Ang tsismis talaga mabilis pa sa virus ng SARS kumalat. So bakit hindi siya magfile ng annulment. Phone: Pamartyr effect siya Tita. Ayaw niyang masabing hiwalay siya. CAT: Pero por dos por kuwatro, bakit ba martyr image lahat ang naririnig ko palagi. Eh pareho silang nagsusuot ng night gown. Phone: Ewan ko. Kung sa akin yon pagsasampal sampalin ko para matauhan. CAT: Hindi ba naman niya napansin na magiging kaagaw niya sa night cream yung mapapangasawa niya ? Phone: Tita, tsismis ko yong magulang ng lalaki ang nanligaw. CAT: Pero sa panahon ngayon, kahit ang mga walis na lang ang nagtatago sa closet. Phone: Hindi pa rin dito sa Pinas, lalo kung mataas ang katungkulan mo sa opisina o kaya sa gobyerno. CAT: Pero kailangan ni C, magdecide kung gusto pa niyang dumami ang lahi nila. Phone: Mahal ang magpa-annul at matagal, tingnan mo si ATE Sharon. CAT: Ate mo ? Phone: Nakarating ka na sa States, gaga ka pa rin sa mga artista. Si Sharon Cuneta. CAT: Eh di feeling artista rin siya, pagnagpa-annul siya. Phone: Sandali, tita, nabalitaan mo ba ang nangyari kay M, biglang nawalang parang bula. Di ba best friend kayo noon? CAT: Tawagan kita after an hour ha. Masama na ang tingin sa akin ng isang gagamit ng phone dito. Feeling ko kung makakain lang ako nito, matagal na akong nanguya . Phone: If I know . O sige, sige na nga. Click Quotation: I rather have them say, "there he goes' rather than, here he lies.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home