Thursday, January 15, 2004

Guess o Seiko(guest worker's visa 2)

Dear Mouse, I got two guesses, erm I mean two Guess watches, mousey. One was a gift this Christmas and the other one---was a gift to myself, three years ago. I have the habit of giving myself a remembrance for a cash bonanza received as an appreciation of my hard work. (ahem). Mas maganda naman yong kaysa sa plake na matigas hindi makain o kaya hindi masuot para ipagmalaki. I am not a Guess person. I prefer the Seiko watches that my friends in Pinas gave me (siyempre bigay noh, ) on several special occasions in my life. I got a collection of them, stainless, gold plated, small and wide bands, fancy and simple . When I took a vacation in the Philippines last year, I brought them for battery change. ( Kuripot eh. Battery change in the Pinas is only a little over $1 and repair is just $ 5.00 while in the Estet, batteries cost more than $ 5 and repair could go as high as in “I will just buy a new watch, dude)”. I got several watches, that I always received an annoying question, my watch repair ka ba sa Pinas noon? My retort is the patented,” I have every watch for the different time zones, you know”. Hold it. We are not talking about my arsenal of watches. This is a continuation of the series (ano yan comics?) about guest worker. Tatagalugin ko. Don’t ask. Trip ko lang baka may maligaw ditong magbasa na nasa Pinas ay mawarningan sila. Baka sakaling may mga may masasamang budhi na naman na manloko at sabihing na madali na ang kumuha ng worker’s visa sa Estet kaya magbayad lang sila ng libo-libo magkakaroon na sila sa madaling panahon. Yong iba pati nanay nila isinasanla. Hayaan ninyong ipaliwanag ko ang aking iniisip sa panukalang ito. ( whew, mabuti na lang may nagregalo ng diksiyunaryong Tagalog sa akin). Guest worker visa as proposed by the Bush administration will have the ff. terms and conditions. (Tagalog sabi eh). 1. may maawaing employer(hindi ko alam sa Tagalog noh) na magpepetisyon sa trabahador. (Katsila yan). 2. tatlong taong legal na pagtatrabaho pagkatapos na puwedeng habaan pa (sabi indefinite, sabi naman ng iba anim, sabi noong iba, siyam . Ano nga ba. Wala ba kayong caculator? Ilan mang taon yon , pagkatapos ay UWI KA NA. (beh) 3. sertipikasyon mula sa employer na talagang peksman walang Puting gustong kumuha ng trabahong yon. (Sino mang Pinoy na dala pa rin ang paniniwala na ang Pinoy lang ang gusto ng mga trabahong nagsusuot ng putting kolyar (susme, white collar jobs ang ibig kong sabihin) ay nahuhuli na sa balita. Ang mga nagtatrabaho sa mga plantasyon ditto ay karamihan mg nagsasalita ng nga lenguwaheng pinsan ng mga Chabacano sa atin. Pag may nakita kang Puti, anak araw lang yon. Di ba Itim naman ang nagtratrabaho talaga sa mga pataniman. Pero noong sila’y lumaya dahil sa ARMISTAD (sine yon oy) sinimulan nilang kumuha ng mga Asyano, kasama ang ating mga lolo na naging mga pineapple pickers bago magkagiyera. Ang mga apo sa kalingkingan ng mga manong na iyon ay ang mga nagdadrive na ng mga LEXUS, Chedeng at nambubuwisit sa mga Puti dahil binibili nila ang mga bahay sa paligidligid. Ang mga tsuuuuper dito ay mga nakaturban (yong iba) may istorya ito pero sa ibang araw na lang.(maghintay ka W X Y z) 4. ang employer (daw) ay hindi puwedeng ipetisyon ang mga TNT na. (labo nito, akala ko sa mga illegal ito? 5. Yong mga illegal puwedeng magbayad para makasali. (Ayun, yon yon eh). Sandali , mousey, mahaba pa ito. Hindi pa ako tapos magbigay ng opinion. Meron ba ? Itutuloy. Abangan sa DARNA komiks. Kung tinatanong ninyo kung ano ang K ko para magbigay ng opinyon tungkol sa imigrasyon, hoy may K ito dahil ang asawa ng aking malayong kamag-anak na napakalayo (walang DNA chrom pattern na magsasabing magkamag-anak nga kami ) ay abugado. (eh ano ngayon). The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home