Guess or Citizen/worker's visa part 3
Dear Mouse, Si Inga ay isang manedyer sa Pinas. Dahil sa mga intriga sa opisina ay ninais niyang umalis pero wala siyang maisip kung saan lilipat. Habang siya ay nakikisosyalan sa isang pagtitipon, nakilala niya ang isang negosyanteng balikbayan na may negosyo sa Estet. Impressive ang credentials niya dahil mayroon siyang MBA (hindi Manager by Accident). Inalok ng balikbayan ng trabaho si Inga para magtayo ng branch ng kumpanya sa ibang siyudad sa America.Penitisyon siya ng balikbayan na may-ari ng negosyo para para makatrabaho siya sa Estet. Aprubado naman pero hindi sapat yon. Kailangan niyang kumuha ng visa para makapasok siya sa Estados Unidos at magamit ang employment authorization na iyon. Kinailangang mag-apply ng temporary worker’s visa sa US Embassy. Kaiba ito sa tourist visa na nagbibigay lamang ng ilang buwang pamamalagi sa Amerika. Kaiba din ito sa immigrant visa dahil hindi ito nagbibigay ng karapatang mamalagi ng permanente sa Estet. Kailangang mapasa niya ang interview na mag-aalam kung siya nga ay may exceptional ability ( kagaya ng magsirko o kay a kumain ng apoy…ooops) Kailangan ding maibigay ang lahat ng mga dokumentong hihingin para katunayan na ang kumpanyang nagpetisyon sa kaniya ay hingi lamang gawa-gawa o nagtitinda lamang ng lugaw o banana cue. Binigyan siya ng TEMPORARY WORKER’S visa. Sa kaniyang kategoriyang propesyonal, ito ang tinatawag na H1B. Siya ay lumipad para magtrabaho ng tatlong taon sa Estados Unidos. Dahil nagustuhan siya ng kaniyang amo, hindi pa man tapos ang tatlong taon ay penitisyon naman siya para magkaroon ng green card. Ito ang tinatawag na employment-based immigrant visa. .Matagal ang maghintay ng approval ng green card. Sa procesong ito kailangan patunayan ng employer na wala talaga siyang makukuhang Puti, Itim, Pula na maaring gawin ang trabaho ng Pinoy na magaling. Paano ? Aba eh, maglalagay ka ng wanted ads at magdasal ka ng walang mag-aaply na taga Estet. Pag may nag-apply at hindi kinuha ng petitioning employer, kailangang i-justify kagaya ng pangit kasi eh (nagbibiro lang po). Pero dahil kakaunti lang ang may MBA dito o kaya tapos ng kolehiyo. Wala silang laban. Pagkatapos na sertipikasyon na talagang walang MAKUKUHANG MAGTATRABAHO SAKA LANG MASISIMULAN ANG PAGHIHIRAP NA Pag-apply sa GREEN CARD. Kaya pag kinakailangan ay dapat i-eextend ang temporary worker’s visa nang tatlong taon pa. Kaya anim na taon na pwedeng magtrabaho ang isang may H1B visa. Sa loob ng mga taong ito ay puwedeng lumabas at pumasok si Inga sa Ameriika. Si Enya naman ay isang karaniwang empleyado.. Dahil sa problema sa pag-ibig (lintek na pag-ibig yan), siya ay kumuha ng tourist visa at lumipad sa Estet.Sa kagaya niyang single, halos dumaan siya sa butas ng karayom para makakuha siya ng minimithing tourist visa. Pagdating sa Amerika, inerekomenda siya ng isang kabigan sa kaniyang amo na gusto ang mga nagsisimula ng walang papel. Isa, hindi siya basta basta makakalipat, dalawa, hindi siya hihingi ng malaking suweldo at ikatlo, siya ay magiging masunuring trabahador. Sa madaling salita ay penetisyon siya ng kumpanya at siya ay nabigyan ng employment authorization. Hindi kagaya ni Inga, hindi niya na kailagang mag-aaply ng visa dahil nasa Estados Unidos na siya.Pero hindi rin siya puwedeng lumabas at bumalik sa loob nga tatlong taon na siya may karapatang magtrabaho ng legal. Sumulat siya sa mga kaibigan na hindi siya makakauwi dahil expired na ang kaniyang tourist visa. Tsinismis siya na TNT na raw. Hindi oy. Siya ay legal pa rin. Maari rin siyang mag-apply ng visa pero mahabang proceso at magastos. Hindi pa tapos ang kaniyang tatlong taon ay nakakilala siya ng US citizen. Sila ay nagpakasal at siya at penitisyon ng asawa para magkaroon ng green card. Ito ang family-based immigrant visa petition. Si Ellen ay isang accountant sa Pilipinas. Nakakuha siya ng tourist visa at lumipad sa Estet. Binigyan siya ng anim na buwang maglagi sa Ameria. Ipinasok siyang caregiver ng kaniyang mga kamag-anak (under the table). Mahaba ang proceso na pag-aaply ng petisyon para sa ganitong klaseng trabaho (H1B2)na by the time, makuha ang permit ay expired na ang kaniyang visa. Kaya nagpatuloy siyang magtrabaho ng walang permit. Ito ang mga tinatawag na illegal working aliens. Dahil siya ay wala ng visa, siya ay TNT na. Hindi siya puwedeng mag-aaply ng Social Security, wala siyang driver’s license at siya ay nasa awa lang ng kaniyang mga kamag-anak. Pag siya ay nahuli, siya ay puiwedeng ipadeport. Ano ang kaibahan ngayon ng proposed na guest worker’s visa sa mga temporary worker's visa sa ngayon? Sa susunod na kabanata. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home