Rigodon daw
Dear Mouse, Greetings. Do not worry, I am not writing about politics today. But kulitmodaw did. Disclaimer: For W, I am not kulitmodaw, I do not write Poems. We also do not come from the same genes. Mine is Levi's. Rigodon January 04th, 2004 06:43 pm Kagulo, kagulo na ang mga pulitiko, lipat doon, lipat dito para manalo, bakit si Osmena ay napunta kay Arroyo, Bakit si Loren, naman napunta kay Ronnie Poe. Ahh, para ko nang naririnig si Madam Miriam, Haba ang nguso at sa boses na mapang-uyam, Hindi ko matatanggap ang makasama iyan, Ang iyan na binanggit ay si Loren na kalaban. Di ba't kailan lang, si Ronnie ay pinagtanggol, tulad ng asong mabagsik na tahol ng tahol. Anong masama ikanya, sa taong bopol, Lahat may karapatang, sa pangarap'y humabol. Ala, Si Jinggoy naman daw ay lalaban pa rin, Kahit siya'y di pinili ng ninong pa mandin, Anak daw sya ng makamasa at maawain, Tiwala s'yang mahihirap , sya'y tatangkilikin Si Ping Lacson daw ay tatakbo na ng walang bise, Walang mga senador na puwedeng kakampi, Ano ang nangyari at siya 'y hindi nakasali, Tapos niyang mang-away, sipa s'ya sa KNP. Alahoy, alahey, Si GMA'y sumasayaw, Ocho-ocho at F4 , kaniyang sasaliwan, Habang nag-aaway, kanyang mga kalaban, Ngiti niya ay 'gang tenga, dasal ay magsabunutan. Kasaya talaga ang pulitika sa Pinas, May iyakan, bugbugan,at maraming palabas, Parang karnibal, maraming kayong mamalas, May mga payaso, elepante, tigre't ahas. Ang aking tula lagi nang may nakakatawa, Istilo kong pagsasaad para ako lumigaya, Sa tulang ito, ay wala kayong makikita, Dahil nakakatawa mismo ang pulitika. by Kulitkodaw The CAt
0 Comments:
Post a Comment
<< Home