Kuwentong love story ko-Happy Valentine's day
Dear Mouse, Hindi naman siya guwapo. Sa totoo lang makapal ang kaniyang mga labi na pagtiningnan mo siya nang nakatagilid saiyo ay makikita mong pantay ang kaniyang nguso sa tungki ng kaniyang ilong. Makapal din ang kaniyang salamin sa mata. Malaking bentahe ito sa mga babaeng hindi makinis ang kutis, kahit magsiksikan pa ang mga taghiyawat sa mukha, hindi niya mapapansin. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi niya nakita ang mga paa ng uwak (crow feet)sa gilid ng mata ng aking propesor. Hindi ko siya kaklase, pero palagi kaming nagtatagpo kasi peborit pareho kami ni Ma’am. Istudyent siya ni Ma’am sa kabilang ibayo. Siya ang taga tsek ng papel samantalang ako hindi lang taga tsek, hingahan pa ng sama ng loob ni Maam sa kaniyang bwisit na asawa. Dakilang Tseker ako mula pa noong ako’y pumasol sa iskul. Siguro kung naningil ako bawat pirasong papel na tsinekan ko nakabili na rin ako ng house on a hill sa Antipolo. Nambabae daw si Mister. Istudyent niya dati sa isang kolehiyo sa malayong probins at batang di hamak sa kaniya. Naging iskandalo ito sa maliit na siyudad na halos lahat ng tao ay magkakilala dahil sa kanilang mga bansag . Si Temyong Talakitok, Si Maryang Tangige. Si Huwang Apahap. Malapit kasi ito sa dalampasigan at ang mga tao ay may mga baklad. (fish pens). Lumayo sila at pumunta sa Menila. Nagpakasal. At dahil hindi tapos si Mister, ay pumasok siyang ahente ng sigarilyo habang si Ma’am ay nag-aaply ng pagtuturo sa kolehiyo at universidad. Mali yata. Love story ko ito. Peksman. Mabaho ang pangalan ng lalaking mahaba ang nguso. The Third siya kaya wala siyang magawa sa pangalan niya kaya tawagin natin siyang Teri. Mayaman sila. Ang tatay niya ay isang consultant sa isang international firm at ang nanay niya ay isang business woman. Unico hijo at may isang kapatid. Babae siyempre. May palaisdaan sila sa Batangas. Hindi siya seryosong mag-aral. Ikatlong unibersidad na yata yong pinag-aaralan niya. Gusto lang niyang may dahilan para hindi siya pagtrabahuhin. Ligaw insik ang gawa niya. May dala siyang hopyang ube galling sa Binondo. Pumupunta siya iskul ko ng tanghali at yayain akong kumain. Hooooooooooo, sabi ng aking mga kaklase at barkada. Dumi isip.Libre pati sila. Minsan niyaya niya kaming mga barkada sa Batangas. Kasama si Ma’am. Wow sarap maligo at manghuli ng isda. Si Ma'am nakabathing suit at panay ang pulupot kay Teri. Panay siya sigaw ng malulunod eh isang dangkal lang naman ang tubig na nilalanguyan niya. Hindi ko binigyan ng malisya yon pero ang suspetsoso kong kaklase ang nagsabi na para bang nagfiflirt si Maam. Ow? Valentine. Tumawag siya na susunduin ako. Kakain kami sa isang steak house. Kailangan, late afternoon o early evening. Pasikatan ang mga asawa at boyfriends ng araw na iyon kaya puno ang kainan. Puno rin maghapon ang mga biglang liko lalo na sa mga bawal na pag-ibig. Dumating siya. Kasama si Ma'am. Nakita raw siya at gustong magpahatid. Nalamang kakain kami. Sumama.. Hindi makakibo si Teri. Sinulyapan ako. Tinaas ko ang aking dalawang kilay. Tahimik kami ni Teri. Madaldal si Maam. May kasama pang mga hikbi na madalang na ang uwi ni Mister kaya siya ay nalulungkot umuwi ng bahay. Siyanga pala, total mas nauna ang bahay ko, ihahatid na lang nila ako ng una. Gumalaw ang isa kong kilay. Minsan ay dinala ako ni Teri sa kanilang unibersidad para hintayin siya, tapos ay kakain kami sa isang Japanese restaurant. Nabore ako sa kotse kaya pumunta ako sa faculty room. May mga propesor na babaeng nag-uumpukan. Magkakalapit ang kanilang mga ulo habang ang isang babaeng istudyent ay nagkukuwento. Talaga ? Lakihan ang mga mata nila. Sabi ko na. Nagtikwasan ang kanilang mga labi. Hindi na siya nahiya…nagtaasan ang mga kilay at nagsalubong sa bandang huli. Alam ko ang pinag-uusapan. Sila. Si Teri at si Maam. Sa mga sumunod na araw ay masaya si Ma'am. Nanood daw sila ng sine ni Teri. Pumunta sila sa mall ni Teri. Pupunta sila sa Batangas ni Teri. Hindi ako mahilig sa konprontasyon. Kung ayaw mo sa akin, ayaw ko rin saiyo. Sa sarili ko lang yon sinasabi. Sa tao, ignore lang siya sa akin. Parang ah may tao ba? Parang may nagsasalita. Kinuha niya ang isang maliit na box. May lamang singsing na may nakaukit ng I LOVE YOU. 18 karats kaya? Tiningnan ko yong number sa loob. 18 nga. Tinaggap ko. Hindi kakati ang aking daliri. Hangang 14 lang ang puwede kong suotin na hindi ako allergic. :) Sabado susunduin daw niya kami ni Deb. Pupunta kami sa Batangas. Naliligo na kami nang may dumating. Kapatid ni Teri at si Ma'am. May mahalaga raw kailangan si Ma'am kay Teri. Iniwanan siya ni Mister at kailangan niyang lumipat ng tirahan. Kumunot ang noo ko. Kunti lang. Turo ng aking mader na huwag akong kukunot. Madaling magpatanda. Nakita niya ang aing singsing. Kumunot din ang kilay niya. Di bale matanda na naman siya. Kinabukasan nagpaalam si Teri na aasikasuhin niya ang paglipat ni Maam tapos pupunta siya sa bahay. Di siya sumipot. Walang ni ha ni ho. Walang tawag. Lunes, wala si Ma'am. Wala rin si Teri. Isang Linggo. Ako ang taong hindi mahilig magdrama. Ayaw ko rin ako ay sinasaktan. Hindi na sila bumalik. Balita ko nagtuturo si Ma'am sa Batangas. Hindi rin nakipagkita si Teri sa akin mula noon. Sabi ng kapatid, sobra raw hiya. Hindi ko rin ibinalik ang singsing. Sayang. ;) The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home