Windows
Dear Mouse, I just had my hair cut. When I was still a student, my former Eco professor made fun of my hair when I failed to esssplain the meaning of some economic terms that were "french"to us.(it' s a code that we used to describe her whenever we cannot understand what she was saying. Talking French na naman siya sabi namin...ganon).Mahilig kasi siyang magsuot ng beret. Feeling niya nasa France siya. husme ang init naman sa Pinas. Pumunta lang siya sa France ng isang buwan, naging ngungo na siya at ang hello niya ay allo. Back to hair cut. I just had my hair cut that day. Pinawax ko pa at talagang pati ang insekto na magkamaling dumapo ay madudulas sa kintab. Tagal ko rin pinag-ipunan yon. Tapos, para akong model ng hair shampoo na pumasok sa klase with bouncing hair. Lahat napapalingon, ikanga--pati professor ko na mahilig sa recitation. Kaya tumbok ako. Tayo ang drama ko habang hinihintay ang tanong niya. Miss Cath, what has inflation to do with closing the rediscounting Window of Bank Sentral. Uh uh. Nabasa ko yon. Rewind, rewind. Pero kung saan page di ko maalala. I am not a person who is good in memorization but I have porno errrrm photographic memory---that is I try to remember things, I saw and read by association. Like windows, bintana...discounting...yong hinihingi ko sa binibilhan ko..tawad ....Kasi naman maganda ang palabas noong nakaraang gabi, kasi naman si ..so I was wallowing in guilt for not being able to study my lesson when the professor mockingly announced to the class---- It seems that we have a Samson in the class, When she had her cut, a part of the brain went with the cut hair too. Mas masakit pakinggan sa Tagalog...Siguro nasa dulo ng buhok mo ang iyong iq. Pinaputol mo, o ayan sumama. Justify, justify...galit lang siya sa akin dahil minsan pinagtaguan namin siya. Sinara namin ang ilaw at ang pinto as if walang tao sa loob. Tapos, hindi kami humihinga nang kumatok siya. Sa kapipigil ng hagikgik, muntik nang mapaihi ang isa sa aming kakalse.Lintek namang janitor yon. Binuking kami. hehehe. So when Poe made a covenant to the people (take note, not promise but covenant)..that he is going to use foreign aid to finance low interest credit windows for farmers and fishermen halos mawasak ang puso ko sa panghihinayang. Sana presidential candidate na siya noon para naeesplain niya sa akin yong Windows na yan. Si Sassy, Windows 98 and preferred niya. Sa akin naman Windows ME pero palaging nagfefreeze kahit summer. Naintindihan kaya ni Poe and windows ? Back to my professor, sagot ko, sorry Madam, I do not do windows....hikhikhik The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home