Monday, April 26, 2004

Finally


Dear Mouse,

Matagal na ring nakaimbak yong application para akong maging Kano. Kailangan magdecision na ako.

Pero huwag akalain ng iba na kaya ako nag decision na maging Puti ay dahil sa mga sumusunod:

1. Nadisqualify na si Eddie G ng Supreme Court (marami sa aking mga kaibigan na akala talagang si Eddie G ang aking manok. (Sabi nga ni Sassy..utang na loob)...Yong kaniyang wig ay mukhang palong ng manok pero hindi ko siya manok. Vegan ito babe).

2. Mukha talagang maysakit si Raul Roco. (Sabi nila wasted vote dahil hindi mananalo. At least pag may bulilyaso sa mananalong kandidato, hindi ka maduduro ng iyong konsensiya na kasama ka sa mga nagpako kay Juan dela Cruz sa lalong paghihirap. (hankie please).

3. hindi rin dahil blue ang paborito kong kulay kaya gusto ko ng bughaw na kulay na Pasaporte ng Puti.

4. hindi rin dahil gusto ko ng masunod ang aking pantasya na magkaroon ng pangalang Kano. (Isa kasi privileges ay ang makapagpalit ng pangalan).

Yong aking kaibigang babae ang apelyido niya ay Bulaclac. Tuwing ipinakilala siya ay may mga salbaheng lalaking mahilig sa pulutan na nagdudugtong ng " Sitsaron". Ngayon ang apelyido niya ay Flowers.

Minsan umorder ako ng bulaklak sa phone para delivery sa kaniya. What shall I write in the card? Sabi ko,you write Rose Flowers. Is that necessary for her to know that what you sent are roses and they're flowers. Oo nga naman. Matalinong bata,dapat hindi siya sa flowershop.

Totoo ang istorya ko. Yong mga nagpalit ng pangalan sa mga jokes ng Pilipino ay katatawanan lang kagaya ni Casimiro Bulaclac-na naging Cashmere Bouquet.

5. Hindi rin dahil pag may dala kang bughaw na pasaporte, hindi na kailangang kumuha ng visa pag namasyal sa Europa at sa Iraq.

6. Hindi rin dahil ang mga US citizen lang ang puwedeng magpetition ng fiancee. Yong aking single na kaibigan na pangasawa niya yong lalaking dati-dati iniisnab siya ng pamilya at yong lalaki ay pinagtatawanan siya dahil hindi siya kagandahan. Nang minsang umuwi siya sa Pinas, pagbalik niya dito naghanap ng mangga. Ngayon, nag-aalaga ng anak nila yong poging asawa.

Mayroon namang isang lalaki akong nakilala sa isang pagtitipon. Siya yong tipong (makalaglag ng bra) sa kaguwapuhan. Sinundan ng aking kaibigang malapit ng tumalon sa kalendaryo. Naupo sa tabi ng isang babae na napakalaki at napakataba na pag nakita mo gusto mong matulog at hiramin yong palda niya na maging kumot. Asawa pala tsika. Napetition din.

Sabi ko sa kaniya, umuwi rin siya at maglagay ng karatula sa labas ng bahay nila. Wanted Husband by a US Citizen, apply inside. Mas mura pa at mas madali. Hindi lang lahat successful stories. Minsan ang anak ay nagmamana sa babae. oops.

Kaya ko gustong maging Kano dahil gusto ko nang bomoto. Pag botohan dito mabilis din ang pagprocess ng application. Sayang din eh. Hindi na kailangan ipad ang voter's list. Pagkatapos mong mag-oath-taking, magpaparegister ka either Rep or Dem.

Sana ay dumating yong application ko bago mag April 30. Dahil tataas na namang ang processing fee. Wala akong binanggit na ito ang dahilan ha.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home